[ CHAPTER 1 ]
"Bawat kuwento mahalaga,
at bawat buklat ng pahina ay may kakaiba..."
— Calista Dibarosan Verano
( 2026 )
LAHAT TAYO ay may kaniya- kaniyang kuwento. Istoryang binabalot ng mga misteryo, mga kabanatang naglalaman ng magkakahalong emosyon, at mga kaganapan na kinapapalooban ng pinaghalong malulungkot at masasayang tagpo.
Wala kang ibang pagpipilian kundi ang harapin ang nabuo mong kuwento na hindi mo alam kung ano ang magsisilbing wakas nito. Ang mahalaga ay wala kang sinayang na oras para gawin ang tama at nararapat para sa ikagaganda ng nabuo mong istorya.
Nakakatuwang isipin na ang istorya ng pag-iibigan nina Alfredo Castillo at Esmeralda de Guzman ng taong 1883 ay tila naulit lamang kanila Necomedes Montalban at Estella Figuracion ng taong 1930, at naisalin naman sa katauhan nina Juancho Figueroa at Fedisol Dibarosan ng taong 1981.
At ako?
Si Calista Dibarosan Verano ng taong 2026, ang dalagang nagmula mismo sa lahi ng mga de Guzman. Ang babaeng sumubok na humamon sa mapaglarong tadhana at ito,
... ang aking kuwento.
"CALISTA VERANO, kayo na po ma'am" tawag sa akin ng isang nurse na nakapuwesto sa isang table na siyang taga-tawag sa mga pasyenteng naghihintay rito sa pasilyo ng clinic.
Ito ang nagsasabi kung puwede na bang pumasok sa loob o hindi pa ang isang pasyente. Napabalikwas ako sa pagkakaupo nang marinig ko ang aking pangalan na sinabayan pa ng kaniyang pagtango ng ulo bilang pagbibigay pahintulot sa akin na maaari na akong pumasok sa nakasaradong clinic ni Doktora Noemi, ang doktorang nakadestino sa clinic. Nginitian ko ito at saka binitbit ang aking bag. Tumayo ako at lumapit sa pintong nakasarado. Minsan pa akong bumuwelo ng lakas bago hinawakan ang doorknob ng nakasaradong pinto, kumatok ng tatlong beses bago tuloyang binuksan at pumasok sa loob.
"Good morning po, dok!" nahihiya ko pang bati sa doktorang agad na bumungad sa akin. Nakaupo ito sa upoan sa harap ng kaniyang maliit na table at nakasuot ng eye glasses.
"Good morning, maupo ka!" nakangiti niyang pagbibigay pahintulot sa akin.
Naupo naman ako sa upoang nasa harap ng table niya. Naninindig ang aking mga balahibo sa katawan. Ramdam ko ang lamig ng loob nitong clinic galing sa aircon na lalong nagpalala sa tentasyong nadarama ko sa mga sandaling ito.
"Anong problema?" malambing niyang tanong na hindi inaalis ang tingin sa akin at suot ang ngiti sa labing nagiging daan para maging comfortable ang kausap.
Matagal bago ako nakapagsalita. Saglit pa kasing nag-ipon ng mga letra at bumuo ng mga salita ang aking isip, at nang makabuo ay saka pa lamang nagkaroon ng lakas ang aking dila para ibuka ang aking mga labi. Tila nahirapan ang aking hypothalamus na bumuo ng pangungusap.
BINABASA MO ANG
Time After It's Gone
Genç KurguThe past love is the present love. In the year 2021, the love tale of two people from eighteenth and nineteenth centuries will be brought at the fourth time. After more than hundred years, two people will be born sa ikaapat na pagkakataon, panibagon...
