[ CHAPTER 43 ]
(Pakipakinggan na lang ang kantang "Sa'yo" by Silent Sanctuary)
"Calista! Palabasin mo ako rito. Sabihin mo 'yong totoo! Hindi naman kita binastos, di ba?!" naiiyak nang sigaw ni Brando habang nakahawak sa bakal na rehas.
Umiiling naman ang mga pulis na sa pagkakaalam ko ay kasamahan sa trabaho ng daddy Peter niya. Patuloy ang mga ito sa pagtakla ng dila at tila hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko.
"Naku ka, Bugoy! Ang kulit mo. Siguradong masasabon ka ng erpats mo!" natatawa namang sabi ng iba pang pulis. Kasalukuyang nasa presinto kami at mga nasa limang pulis ang nakadestino ngayon dito.
Tiningnan ko siya, bugoy yata ang nickname niya na tawag sa kaniya ng mga nakakakilala sa kaniya.
"Maniwala kayo sa akin kuya Arman at ate Lency, hindi ko siya binastos!" pamimilit pa nito para pakawalan, "Hindi ba Calista? Tinulongan pa nga kita e. Ang saya-saya natin kanina pero bakit biglang ganito?" naiiyak na niyang tanong sa akin.
Bakas sa mga mata niyang tila gusto niya akong makausap at tanongin kung bakit ko siya hinahanap kanina at kung bakit ko siya nilalagay sa ganitong kahihiyan.
Parang nagkamali yata ako nang palusot. Hindi ko dapat ginawa ito dahil kasiraan niya ang bagay na ito. Ang bawat kaganapan sa mga sandaling ito ay magiging kasaysayan din sa mga susunod na henerasyon.
"Hintayin mo na lang si Daddy mo" natatawa namang sabi ng isang pulis na babae matapos ay lumapit sa akin na ngayon ay nakaupo sa isang upoang nasa tapat ng isang lamesa.
"Okay miss! Need namin ng statement mo about sa ginawa sa'yo ni Bugoy so ang gagawin mo ay isusulat mo dito lahat-lahat sa record book, understood?" paliwanag ng pulis na babae at saka inabot sa akin ang record book at ballpen.
Napatitig ako kay Brando na nanlalaki ang mata. Tila nakikiusap na huwag kong gawin sa kaniya ang mga bagay na ito.
Ano 'tong pinasok ko?
Kinuha ko ang record book at ballpen na nanginginig ang mga kamay. Pakiramdam ko ay sobrang lamig at hindi ko mawari ang tension na nararamdaman sa mga sandaling ito.
"Calista! Itigil mo 'yan. Huwag mong ituloy iyan!" sigaw niya nang hawakan ko ang record book at ballpen.
"Calista! Wala akong ginagawa sa'yong masama! Nirerespeto naman kita!" sigaw nito at pilit kinakalampag ang rehas na bakal.
Napapikit ako ng mata, bumuwelo ng lakas at saka nagsimulang magsulat kasabay nang pag alis ng babae sa aking harapan. Nakita kong parang naiyak si Brando na pinatitigil ng tatlong pulis na lalaki.
Napayuko ako at doon na nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Wala akong pakiilam kung anong sabihin nila. Nanginginig akong nagsulat.
BINABASA MO ANG
Time After It's Gone
Teen FictionThe past love, is the present love. In the year 2021, the love tale of two people from eighteenth and nineteenth centuries will be brought at the fourth time. After more than hundred years, two people will be born sa ikaapat na pagkakataon, panibago...