Chapter 44

26 6 0
                                    


[ CHAPTER 44 ]


KINUHA ko ang panyo ko sa ibabaw ng study table saka saglit na sinuklay ang mahaba't itim kong buhok bago itinali nang magkakasama, matapos ay nagpasyang lumabas na ng aking kuwarto ngunit bahagya na sana akong tatayo mula sa pagkakaupo nang mapansin ko ang kuwintas na may hugis pusong pendat. Nakapatong ito sa diary ko. Hindi ko alam na sa tagal ng panahon ay buhay pa ito. Sabi ni Daddy, kasama raw yata ito sa mga gamit ni mommy nang minsan kong itanong sa kaniya kung sinong nagmamay-ari nito. Nakita ko kasi ito sa kabinet ko nang minsang maglinis ako ng bahay. Kinuha ko ang kuwintas, saglit na pinakatitigan ang makalumang itsura bago napagpasyang isuot. Napahawak pa ako sa dibdib ko nang bigla ako nakaramdam ng kakaibang kaba.


Ito ang kabang madalas kong maramdaman sa tuwing sasapit ang araw ng mga puso at ng aking kaarawan. Hindi pang ordinaryong kaba. Napahagod ako ng hangin at saka nagbuga.


Ikaapat nga pala ng Abril ngayon. Kaarawan ko. Ang bilis ng araw, para kailan lang ay Valentine's day pa tapos ngayon, birthday ko na agad. Ito marahil ang dahilan nang biglang pagdagondong ng aking puso. Binaliwala ko ang kaba at isinukbit ang bag sa balikat.


Pahakbang na sana ako nang muling mabaling ang pansin ko sa diary kong nakapatong sa table. Napatitig pa ako nang matagal dito. Kinuha ko ang diary ko at saka inalagay sa bag ko bago tuloyang tumayo at nagpasyang lumabas ng silid.


Palabas pa lang ako ng kuwarto ko nang maagaw muli nang pansin ko ang salamin kong nasa corner. Ako mismo ang nag arrange ng kuwarto ko. Nasa kabilang gilid malapit sa bintana ang kabinet na lagayan ng mga damit ko habang nasa gilid naman ng comfort room ko sa bandang gilid nakapuwesto ang malaking bilog na salamin ko na galing pa raw sa kalola-lolahan kong si Lola Esmeralda na ibinigay lang kay mommy ng nanay niya na si Lola Fedisol na nanggaling din daw kay Lola Estella, na ipinamana ni Lola Esmeralda kay Lola Estella.


Pinasadahan ko ng tingin ang aking replika sa salamin. Nakasuot ako ngayon ng jacket dahil malamig ang panahon, talagang nagsisimula nang magbago ang klima ng panahon sa Pilipinas. Hindi naman dapat ganito ang klima tuwing pagsapit ng Abril at Mayo pero ngayon, nagmimistulang umuulan ng nyebe sa pinas sa sobrang lamig na sinabayan pa ng malakas na hangin.


Tiningnan ko pa nang mabuti ang aking itsura, bukod sa nakapang-ibabaw kong suot na Jacket ay nakasuot din ako ng uniform ko na magsasabi kung anong kurso ang kinuha kong profession. Nakablouse na pinartneran ng palda. Hindi kasi natuyo kagabi ang nalabahan kong pants na akin sanang iteterno dito para kahit papaano ay hindi ako mahirapan sa pagkilos kaso basa pa ito dahilan para mapilitan akong palda muna ang gamitin.


May ngiti akong tinutukan ang sarili bago bumato nang tingin sa isang larawang nakapatong sa itaas ng lamesa ko.


Maraming nagsasabing kamukhang-kamukha ko raw si mommy, mula sa mata, sa ilong, sa buhok, sa labi, sa hugis ng mukha, tindig at pangangatawan pati na rin daw sa paraan kung paano makipag-usap sa tao at kung paano ayosin ang sarili. Ika nga nila'y, like mother like daughter. Kaya tuloy marami ang nagugulat at inaakalang buhay si Celestina sa katauhan ko pero ang totoo, hindi naman talaga si mommy ang kamukha ko kundi ang tatlong Lola ko na unang nahimlay sa kani-kanilang himlayan.


"I Love you, mom!" nakangiti ko pang sampit habang nakatingin sa larawan ni Mommy na nakapatong sa study table ko. Larawan kung saan ay makikita si mommy na nakasuot ng pang-nars na damit sa taong 19th century pa ng Pilipinas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Time After It's GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon