[ CHAPTER 5 ]
"Huwag mong pipigilan
ang puso mong iisa lang ang sinisigaw"
— Esmeralda de Guzman
( 1883 )
"ILAN SA MGA TRAYDOR sa kasaysayan ng ating bansa ay si Buencamino, Felipe." Paliwanag sa amin ng aming instructor sa harap na si G. Osvar, siya ang magaling naming guro sa history class. Bukod sa mabait ay malaki pa magbigay ng grades.
Marami kang matototonan sa history sa oras na magturo na siya at itinuon mo lang ang isip sa lesson na dinidiscuss niya. Hindi ako naniniwalang may bobo sa mga istudyante dahil para sa akin, lahat ay matatalino sadyang tamad lang mag-aral at kumalap ng pagkatoto.
"Si Felipe ay ang kalihim ng abal pang dayuhan o foreign affairs secretary noong panahon ng pamumuno ni Aguinaldo. Nakita ng dalawang mata niya mismo ang pagpaslang kay Heneral Antonio Luna subalit hindi man lamang siya gumawa nang paraan para tulungan ang nasabing Heneral." Patuloy n'ya pa.
Tahimik lang akong nakasandal sa aking upoan habang nakikinig sa discussion ni Sir Osvar.
"Sumunod ay si Januario Galut na isang kristiyanong Igorot na nagturo sa mga Amerikano ng sekretong daan paakyat ng tuktok sa Pasong Tirad na siyang dahilan ng pagkatalo ng grupo ni Heneral Gregorio Del Pilar na ikinamatay ng Heneral. Maraming nagtraydor sa Pilipinas, at tinatayang kabilang sa mga ito ay si Emilio Aguinaldo, ang tinuturing na unang pangulo ng bansa. Hindi man niya binanggit subalit may kinalaman siya sa pagkamatay ni Andres Bonifacio, Heneral Luna at ng iba pang Pilipinong may matinding pagmamahal sa bayan. Kabilang na rin dito si Teodoro Patiño, ang katipunerong nagtatrabaho sa Diario de Manila. Nagkaroon sila ng pagtatalo ni Apolonio de la cruz na kapwa niya katipunero. Nang dahil sa kanya, nakarating kay Padre Mariano Gil ang tungkol sa lihim na kilusan na siyang dahilan nang pagkakatuklas sa katipunan." Mahaba-habang lintaya ni Sir.
Habang nagkaklase ay hindi ko mapigilang dalawin ng antok. Ramdam ko ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata. Dulot yata marahil ng sama ng pakiramdam ko at pagod kanina sa byahe dahil dinala pa kaming dalawa ng magaling kong kaibigan ni James sa mall para mamasyal bago bumalik sa school. Valentines day din daw ngayon kaya maraming palamuti sa mall sabi ni Bethany kaya pumayag na lang ako. Nahiya na rin ako tumanggi ng mag-invite si James na sa mang inasal na lang kami mag-take ng lunch.
Pilit kong pinipigilan na huwag dalawin ng antok subalit kusang pumipikit ang aking mga mata hanggang sa isang kaganapan ang muling gumuhit sa aking isipan.
Mga salamisim ng nakaraan. Mga alaala na kailanman ay hindi ko puwedeng kalimutan. Isang lalaki na pawang nakasuot ng pansundalong kasuotan na masaya kong kasama. Isang mayaman na binata at dalagang utusan na walang iba kundi ako.
Mabilis akong napadilat ng mata at makailang ulit na umiling ng ulo upang mapawi ang antok.
Saglit pa akong natigilan ng mabuhay sa alaala ko ang itsura ng lalaking kailanman ay hindi nagawang limutin ng aking puso. Hindi ko mawari, wala namang isip ang puso ngunit bakit hanggang ngayon ay siya ang nagdidikta sa utak ko para alalahanin at balikan ang masalimuot kong nakaraan. Tila siya ang may monitor sa lahat sa halip na trabaho naman ng aking utak ang controlin ang aking katawan.
BINABASA MO ANG
Time After It's Gone
Ficção AdolescenteThe past love, is the present love. In the year 2021, the love tale of two people from eighteenth and nineteenth centuries will be brought at the fourth time. After more than hundred years, two people will be born sa ikaapat na pagkakataon, panibago...