[ CHAPTER 29 ]
"BAKS! Ikaw ah, umamin ka nga sa akin. Anong mayroon sa inyo ni James? Nagkakahulogan na ba kayo ng loob? Nagkakamabutihan na ba?" pang-i-echeose na naman sa akin ng kaibigan ko at may pasundot-sundot pa sa tagiliran ko.
Nasa cafeteria kami ngayon nakapila para bumili ng snack.
"Hah?" tanging sambit ko at wala na akong balak dugtongan pa ito. Kailangan ko talagang umakting na tila walang narinig at naunawaan lalo na kapag hindi ko alam ang isasagot sa tanong niya.
"Anong hah-hah ka d'yan?" nakapamewang niya pang tanong, nakasuot kami ngayon ng pangsibilyang attire kasi wala namang laboratory o maski kahit anong activity ngayon pero need pa rin namin pumuntang school for the attendance.
"Saan kayo galing at bakit late na naman kayong dumating kanina sa room, aber?" taas kilay pa nitong tanong na tinalo pa yata mga imbestigador sa pangangalap ng impormasyon para makabuo ng conclusion sa ginagawang imbestigasyon.
"Nagkasabay lang sa daan" walang mababakas na kahit na anong reaksyon sa mukha kong tugon.
Hindi ako nito tinantanan sa katatanong hanggang sa nakabili kami at makaupo sa upoan. Tumigil lang siya sa katatanong ng may dalawang asungot na umupo sa magkabilaang gilid namin.
"Hindi n'yo man lang kami hinintay" nakasimangot na usal ni Danver na nasa tabi ni Bethany habang tahimik namang naupo sa tabi ko si James.
Tulad ng dati, nakapaikot kami sa bilog na lamesa pero nasa magkakaibang posisyon na kami ngayon.
Nakasuot pa silang dalawa ng pang basketball uniform nila na according pa ni Bethany lalong nagpapagwapo raw sa mga ito. Para sa akin, ganoon pa rin naman. Tao pa rin sila tingnan.
"Ang tagal n'yo kaya at isa pa malay ba namin na tapos na pala kayo sa practice ninyo" mataray na namang sabi ni Bethany na akala mo may dalaw ngayong buwan.
Hindi na lang kumibo ang boyfriend niya matapos ay kinuha ang softdrink ni Bethany sabay sitsit kay James na nagpatigil sa paghahalungkat sa bag nito.
Ngumuso si Danver sa likuran nito na sinundan naman namin ng tingin ni Bethany.
Nagkatinginan kaming dalawa nang mapansin naming si Samantha ang nginungusuan ni Danver. Tiningnan naman ni Bethany nang matalim si Danver na ngayon ay ngingisi-ngisi.
"Type mo? Go! Landiin mo" sarcastic na saad ng nagtataray kong kaibigan.
Sumeryoso naman si Danver at inakbayan si Bethany na pakunwari pang nagseselos. Minsan talaga nakokornihan na ako sa relasyon nilang dalawa. Hindi ko lang maamin.
"Don't tell me pauupoin n'yo na naman 'yan dito?" pabalang-tunong tanong ni Bethany at nakataas kilay na tiningnan ang dalawang magpinsan, "Aalis kami kapag ganoon" taas-kilay pa rin nitong dugtong.
BINABASA MO ANG
Time After It's Gone
Teen FictionThe past love is the present love. In the year 2021, the love tale of two people from eighteenth and nineteenth centuries will be brought at the fourth time. After more than hundred years, two people will be born sa ikaapat na pagkakataon, panibagon...
