[ CHAPTER 40 ]
MAKALIPAS ang halos kalahating oras naming pagkain ay inihanda na n'ya ang mga gamit niya pang arts bago nagsimulang gumuhit.
Pinapanood ko lang siya ngayon na ginuguhitan ako ng landscape kahit hindi naman talaga totoo.
Aanhin ko nga ba ito? Madadala ko ba ito kapag nakabalik na ako sa taong 2026 kung saan talaga ako nagmula?
Marami pa kaming pinag-usapan at isa doon ay ang tungkol sa nakababata niyang kapatid na si Samantha at sa family background niya.
"Hindi ko siya kapatid" seryoso nitong sabi nang minsan ko pa siyang tanongin about Samantha habang nakatuon ang pansin niya sa canvas na kung saan siya gumuguhit ngayon.
Lumalim ang noo ko, "H-Hah?" tanging naiusal ko. Tila tunay na hindi agad nagfunction ang aking utak.
"Step sister ko lang siya. I was—" saglit siyang huminto at bahagyang tumingala na tila nag-iisip,"10 years old yata ako" dugtong n'ya at bumato nang tingin sa akin,"Nang mamatay si daddy ko then after two years my mom met daddy Peter, daddy ni Samantha. That time mga nasa 8 years old pa yata si Samantha." paliwanag niya.
Hindi sila totally na magkapatid kung ganoon pero napakasweet naman nila sa isa't-isa. Bigla ko tuloy naalala sina Kuya Klein at Leemark. Hindi ko sila step brother kundi totoo ko silang kapatid sa ama.
"Parang tunay na daddy na rin turing ko kay daddy Peter, mabait kasi then parang tunay na mommy na rin ang turing ni Samantha kay mommy. Minsan nga napapaisip na lang ako na parang sila ang tunay na magnanay kasi mas close pa sila kesa sa amin ni mommy" patuloy niyang pagkukuwento.
Nanatili lang akong walang kibo at nakikinig sa mga kinukuwento niya.
"Mabait na pulis si daddy Peter at talagang hinasa niya ako, tinuruan nga niya ako humawak ng baril at isa pa dati pa man gusto ko na maging pulis kahit ang gusto ni mommy para sa akin ay maging lawyer. Minsan nagtatalo sila ni Daddy Peter kasi alam niya na gusto ko talaga maging pulis tulad niya. Ayaw ako maging pulis ni mommy kasi namatay 'yong biological father ko dahil sa trabahong iyan. Pulis din kasi daddy kong tunay. Si mommy ang taong ayaw ako maging pulis pero 'yong mga naging asawa puro pulis" natatawa niya pang sabi.
"Nagmula kami sa lahi ni Lolo Fedo, ang Lolo ko sa first generation namin is sundalo hanggang sa second generation ni Lolo Mercedes, nagbago lang pagdating sa third generation ni Lolo Juaning, Lolo ko yata sa tuhod kasi ginusto n'ya maging doktor tapos ngayon, gusto ko maging pulis" pagkukuwento niya pa sa akin na ikinabuntong-hininga ko habang abala naman siya sa pagpipaint.
Napakurap ako ng mata nang parang natataranta itong nagsalita, "Aiii! Wait! Hindi pala kami galing kay Lolo Fedo, kay Lolo Juacinto sa pangalang Alberto pala kami galing kasi hindi nagkaanak si Lolo Fedo kasi baug daw. Tapos si Lolo Juacinto naman is kapatid ni Lolo Fedo."paglilinaw niya.
Baug? Tanging naibulong ko sa sarili bago sumagi sa isipan ko ang katotohanan tungkol sa likod ng kasinungalingang baug si Alfredo. Nadiscuss na ito sa klase namin.
BINABASA MO ANG
Time After It's Gone
Novela JuvenilThe past love, is the present love. In the year 2021, the love tale of two people from eighteenth and nineteenth centuries will be brought at the fourth time. After more than hundred years, two people will be born sa ikaapat na pagkakataon, panibago...