[ CHAPTER 37 ]
"Miss, nasa park!" sigaw nito sa akin dahilan para mapakaripas ako nang takbo at hindi na pinansin ang tatlong lalaking kausap ko kanina.
"Salamat!" saad ko sabay takbo papuntang park nang sa hindi ko inaasahan ay makakabunggoan ko ang isang lalaki at babaeng pareho ng uniform ng school nina Brando.
"Sorry!" natataranta kong paghingi ng sorry na nginitian lang ng lalaki at tumingin sa akin.
"Miss, hinahanap mo si Brando?" tanong ng babae.
"Oo" wala sa sarili kong saad habang tumatango ng ulo.
"Nasa school na kasama ng mga barkada niya" saad nito dahilan para mapasalungat ang aking kilay, pinagtitripan ba ako ni Tadhana?
"Sumakay sila ng biseklita pabalik sa school" saad ng lalaking nakabunggoan ko dahilan para natataranta akong napatakbo ulit pabalik ng school nila.
Feeling ko pinaglalaruan ako ng panahon. Bakit parang ako ang humahabol sa lalaking ilang ulit ko nang nakilala sa magkakaibang taon at panahon?
Hindi! Ngayon lang ito. Hindi ako magpapatalo sa tadhana at handa akong tanggapin ang kaniyang hamon. Bulong ko sa sarili ko habang hinahabol ang mabilis na takbo ng oras.
Nagpakawala ako ng isang mahabang buntong-hininga nang pagpunta ko sa unibersidad nila ay wala raw si Brando at nagtungo raw sa plaza kaya sumakay na ako ng tricycle papuntang plaza pero ganoon pa rin, wala roon at hindi ko makita.
Ilang ulit akong nagpaikot- ikot sa plaza pero wala akong nakitang Brando.
Gutom na ako.
Pagod na ako.
Baka nga hindi talaga kaming dalawa.
Oras na yata para palayain ko siya, pero... pero ayokong sumuko. Hindi ako puwedeng bumitaw at lalo-lalong ayoko bumalik sa 2026 at iiwan ang 2021 na walang nagawa.
Nagsimulang manginig ang tuhod ko kasabay ng pagtunog ng kampana ng simbahang malaki na malapit sa plaza. Ang San Agustin Church. Tumutunog ito sapagitan ng 12, 1, 4, 6 at alas 9 para paalalahanan ang mga taong malapit dito na oras na ng pagdarasal at pagdedebosyon.
Napaupo ako sa upoang nasa gilid ko at ilang saglit pa ang lumipas ay hindi ko na napigilang huwag tumulo ang luha ko kasabay nang mga alaala na kung saan ay umiiyak si Leemark sa kuwarto ko. Hindi pa naman ako nasasaktan pero bakit ang bigat na ng pakiramdam ko. Bakit feeling ko pinagdaganan na ako ng langit at lupa.
"Sana kung gaano kabilis ang acceleration natin, ganoon din tayo kabilis magmove on." rinig ko pang sabi niya.
Napalunok ako ng laway ko, sana nga kasing bilis din ng acceleration ang paglipas ng sakit na nararamdaman ng puso para hindi nahihirapan ang tao.
BINABASA MO ANG
Time After It's Gone
Novela JuvenilThe past love, is the present love. In the year 2021, the love tale of two people from eighteenth and nineteenth centuries will be brought at the fourth time. After more than hundred years, two people will be born sa ikaapat na pagkakataon, panibago...