[ CHAPTER 10 ]
"May problema ka ba?" malambing na tinig na tanong sa akin ng isang estrangherong babae mula sa aking likuran.
"W-Wala po" nauutal kong saad habang tinutuyo ang aking mga luha.
Napakunot-noo ako nang muli itong magsalita.
"Batid ko ang iyong suliranin, nababasa ko ang iyong iniisip" dahilan para pasadahan ko siya ng tingin na ngayon ay naglakad palapit sa akin.
Batid ko ang iyong suliranin, nababasa ko ang iyong iniisip, parang kidlat na gumuhit sa aking isipan ang katagang kaniyang binitawan.
Nagbibiro ba ang isang 'to? Bulong ko sa aking sarili.
Pinakatitigan ko siya ng ilang saglit pero agad ding lumihis ng tingin, wala akong balak makipaglukohan pero mukhang seryoso siya sa kaniyang mga binitawang salita.
"Ano pong ibig mong sabihin?" may galang kong tanong kahit nagugulohan sa kaniyang inaasta.
"Limang taon na ang nagdaan matapos kang madisgrasya, hindi ba?"
Pikit-mata kong iniharap muli ang aking sarili sa babaeng hindi ko kilala. Nagtatanong sa isip kung sino ito at bakit parang napaka-comfortable niya kung makipag-usap sa akin. Nakasuot siya ng mahabang pink na tube dress, kulot ang buhok na itim na bumagay sa katamtamang hugis ng kaniyang mukha. Mahaba ang pilik-mata at may katamtamang tangos ng ilong. May kasingkitan ang mapupungang mga mata at masasabi kong hindi ko siya kilala.
"Binabalikan mo ang mga nakaraan mo na lalong nag-iiwan ng lamat sa iyong puso" aniya na medyo nagpangisi sa akin.
Masyado yata siyang magaling manghula.
"Ano ka? Manghuhula? May instinct o kakayahang mentalism kung saan kayang basahin ang iniisip ng ibang tao?" pagbibiro kong tanong pero tumingin lang ito sa akin at nginitian ako na parang nasisiyahan sa aking mga sinabi.
"Hindi maipaliwanag na abilidad?" nakakunot-noo niyang sabi na parang nag-iisip din at matapos ay impit na ngumiti muli sa akin bago sumeryoso, at naglakad palapit sa isang bulaklak na rosas na noon ay nasa harapan namin, mga ilang pulgada lang ang layo.
Pumitas siya ng isang rosas at saka bumalik sa tabi ko at naupo ng maayos, "May mga bagay na mahirap paniwalaan pero kinakailangang harapin at tanggapin" aniya pa habang tinitingnan ang hawak na rosas.
"Ang buhay ay tila isang bulaklak, gumaganda at nagkakaroon ng kulay kapag inalagaan. Pero tulad ng bulaklak, namumukadkad ang bulaklak nito ayon sa kaniyang panahon ngunit hindi nagtatagal at madali ring nalalanta. Maikli lang ang buhay at ang lahat ay may hangganan pero huwag sana nating hintayin na dumating ang isang araw sa buhay natin na wala na siya bago natin makita ang kaniyang halaga. Huwag sanang mangyari ang isang oportunidad ay mauwi sa regret na pagsisisihan natin hanggang sa huli. Huwag sana dumating ang isang araw na mauwi ang lahat sa salitang sana pala" mahaba niyang lintaya.
BINABASA MO ANG
Time After It's Gone
Novela JuvenilThe past love, is the present love. In the year 2021, the love tale of two people from eighteenth and nineteenth centuries will be brought at the fourth time. After more than hundred years, two people will be born sa ikaapat na pagkakataon, panibago...