Chapter 16

57 8 0
                                    


[ CHAPTER 16 ]


Hindi ko maunawaan pero 'yong mga ngiting ibinabato niya sa akin ay tila may kakaiba. Maski ang mga binibitawan niyang salita ay may kakaiba at matalinghaga.


"Tulad ng ulan, ang lahat ng pagsubok ay pawang daan lamang para subokin ang ating katatagan. Nasa sa atin kung paano natin susulosyonan. Kung hahanap ba tayo ng masisilungan, kukuha ba tayo ng payong na ipangsasanggala o hahayaang mabasa ng ulan at hintaying huminto ito habang nagsasaya. Kasi kahit gaano pa kalakas ang buhos ng ulan, lahat iyan ay may hangganan. Titila rin ang ulan na katulad ng hamong kinahaharap ng isang tao. Ang dapat mo lang gawin ay harapin ito, lagpasan at huwag takasan. Lahat ng problema ay may nakalaang sulosyon na dapat mong aralin at malaman" mahaba niyang lintaya na nagpanganga sa akin.


Hindi ako nakakibong nakatitig lang sa kaniya. Parang tuod na hindi makagalaw.


"Hala! Sige, tumayo ka na at andito na tayo" saad niya pa na nagpakurap ng mata ko kasabay ng malalakas na announcer at ingay mula sa labas alinsunod sa paghinto ng train at pagbukas ng mga pinto.


Napadungaw pa ako saglit sa bintana.


Maraming naglalakad, may naghaharutan, nag-aasaran. Tila ang lahat ay napakasaya ngunit mayroon ding mangilan-ngilan na tahimik na naglalakad. May nag-iisa at mayroon ding tila nagkatampuhan.


Tumayo ako sa kinauupoan ko at sumabay sa ibang tao na palabas ng train.


Nagmamadali akong naglakad paalis ng station hanggang sa makakita ako ng sasakyan, pinara ito at sumakay.


Hinatid ako nito sa unibersidad na pinapasukan ko.


Sumabay ako sa mga istudyanteng papasok sa gate. Naglabas ng ID ng school at dumiretso sa Laboratory.


Bahagya ko pang binuksan ang pinto at sumilip sa uwang nito para tingnan ang kaganapan.


Maririnig na nagkakagulo sila, may naiinis at mayroong tumatawa.


Napalundag ako ng biglang may gumulat sa akin.


"Pusang palaka!" sapo sa dibdib kong sabi.


"Hoy! Bakla! Anong sinisilip-silip mo d'yan?" Tanong ni Bethany sa akin.


"Hah? Eh, ano?" nawala sa isip ko ang sasabihin ko nang may tumikhim sa likuran ko dahilan para batohan ko ng tingin.


Napalunok ako ng sarili kong laway ng makitang naiilang na nakayuko si James habang nakasaklay ang isang braso ng bag niya sa balikat niya. Nakasuot ito ng puting uniform namin na pang nurse. Mapula ang labi na akala mo naglipstick.


Kahit noon pa man, napaka- neat and clean na niya tingnan. Parteda! Wala pang balbas iyan sa mukha.


Lumihis ako ng tingin. Pumasok pala siya sa likod ng nangyari kagabi? Nakakalungkot lang kasi hindi ko kayang suklian ang pagmamahal niya.

Time After It's GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon