[ CHAPTER 41 ]
ALAS SINGKO na ng magpasiya akong magpaalam sa mommy at daddy ni Brando. Noong una, nahihiya pa akong sumabay sa kanila na kumain sa hapagkainan pero naging masaya naman ang pagsalo-salo namin, napagtanto kong nagmana si Samantha sa Daddy nito lalo na pagdating sa kadaldalan habang namana naman ni Brando sa mommy niya ang kakulitan nito.
Hindi na sana ako papayag sa gusto nila na ihatid ako ni Brando pero wala akong nagawa lalo na ng humabol ito sa akin at nag- insist na ihatid niya ako kasi baka hindi raw siya makatulog kapag hindi niya ako hinatid. Kaya ngayon, lumilipad na naman ang isip ko sa kung paano ko malulusotan ito at mahahanapan nang paraan para mailayo ko siya sa badya ng kamatayan. Hindi madaling magligtas ng buhay lalo na kung alam mo na ang mangyayari.
Hindi na rin natapos ang pinipaint niya lalo na ng dumating si Samantha at nagsimulang makipagkuwentohan sa amin ni Brando, nahirapan pa akong magpalusot sa dami ng tanong nito sa akin.
Napagala ako nang tingin sa paligid namin. Nagsisimula na rin sumindi ang mga ilaw sa bawat kanto. Nakasuot na ulit ako ngayon ng uniform ko at jacket, matapos ko kasi magpalit kanina ay naisipan kong isampay habang nagliligpit siya nang pinagkainan namin. Gusto ko sanang tumulong at hugasan ang pinagkainan naming dalawa kaso tumanggi siya at sinabing bawal daw dahil may pinaniniwalaan ang parents niya na bawal patulongin sa pagliligpit at paghuhugas ng pinagkainan ang mga bisita lalo na kung ito ay binata o dalaga pa dahil baka hindi na raw makapag asawa at tumanda ng dalaga at binata. Isang tradisyonal na paniniwala ng mga matatanda na hanggang ngayon ay patuloy pa ring pinaniniwalaan.
Sinulyapan ko siya ngayon ng tingin, nasa left side ko siya nakapuwesto sa bandang daanan ng mga sasakyan. Hindi ko nga alam kung bakit ayaw niya ako papuwestohin sa bandang kalsada. Sa tuwing pumupuwesto ako ay hinihila niya ako pakanan at patabi matapos ay titingin siya sa sasakyang daraan at siya ang papalit sa akin kaya tuloy mapapahinto rin ako at hindi malaman kung anong gagawin lalo na kapag may sasakyang daraan sa gilid niya.
Napapakunot pa siya ng noo kapag hinihila ko siya. Hindi ko naman magawang i-explain na sa mga panahong ito ay nasa bingit ng kamatayan ang buhay niya.
Nakasuot siya ngayon ng jacket at ganoon pa rin ang damit na suot niya maski ang short. Saglit itong huminto sa paglalakad na bahagya ko ring ikinatigil. Abala siya sa kakatalipa sa phone niya at mukhang may kapalitan ng text. Nang mapansin niyang tumigil ako sa paglalakad ay humangad s'ya nang tingin sa akin at saka nagpakita ng poging ngiti, ngiting ipinagdarasal kong makita ko pa sanang muli sa pagbalik ko sa taong 2026.
Huminto ito sa pagtatalipa at saka nakangiting lumapit sa akin.
"Maaga pa naman, di ba?" masaya niyang tanong sa akin na tinangoan ko ng ulo.
Nagkibit-balikat siya bago nagpatuloy, "Malayo ba ang sa inyo?"
Napaisip naman ako, hindi ko nga pala nasasabi kung taga saan ako at wala akong balak nagawin iyon.
"Malapit lang naman, bakit?" binabalot ng kuryosidad kong tanong.
BINABASA MO ANG
Time After It's Gone
Teen FictionThe past love, is the present love. In the year 2021, the love tale of two people from eighteenth and nineteenth centuries will be brought at the fourth time. After more than hundred years, two people will be born sa ikaapat na pagkakataon, panibago...