Chapter 21

58 8 0
                                    


[ CHAPTER 21 ]


"You know what, Calli. Your dad really loves you bagamat hindi man niya sabihin sa'yo o maramdaman pero mahal ka n'yon" Saad ni James habang magkatabi kaming nakatayo at pinagmamasdan ang ibaba ng roof top.


Matapos kasi namin magtungo sa comfort room ni Bethany ay bumalik din agad kami rito. Nagulat pa nga ako ng irapan ako ng babaeng nakasama niya sa mall. Wala naman akong nakikitang rason kung bakit. Hindi ko na lang iyon pinansin kaya nang lumabas si Bethany ay naglakad agad kami papunta sa rooftop.


"Maybe, wala ako sa part mo para sabihin ito pero may kaniya-kaniya kasi tayong mga magulang. Different way kung paano nila ipapadama ang pagmamahal nila sa anak nila at magkakaiba ng personality or characteristics but for me, it's not like we can just base someone's love on what we see."


Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi ito. Ang linaw ng pinag-uusapan namin kanina tungkol sa parents ni Danver pero bakit napunta sa akin ang topic?


Nanatili akong hindi kumikibo.


"Sorry," agaw niya sa pansin ko na ikinasalungat ng kilay ko, "hindi namin ineexpect na maririnig namin ang tampo or something like sama ng loob mo about him" dugtong niya pa dahilan para lumalim ang pagkakakunot ng noo ko habang nakatingin sa baba nitong rooftop.


"Bawat magulang kasi talaga may sariling paraan ng pagpapakita ng love" dugtong niya pa at kahit hindi ko siya tingnan ay alam kong pinapasadahan niya ako ng tingin.


Nang marinig ko ang huling katagang binitawan niya ay bigla na lang sumagi sa isip ko ang mga panahong umiyak ako sa mismong room ko.


Napalunok ako ng laway at kapandaka'y biglang naubo, nasamid pa ako sa sarili kong laway.


"Are you okay?" tanong niya at akma pa sana akong hahawakan sa habaga pero humarap din ako agad sa kaniya at nagpakita ng isang nagtatanong na tingin.


Huwag niyang sabihin sa aking nandoon siya mismo sa loob ng kuwarto ko nang mangyari iyon? Nang mga sandaling umiyak ako. No! Malabo iyon! Swear! Dumalaw lang siya sa bahay at naikuwento lang sa kaniya ni manang Losing ang nangyari. Pero teka! kung naikuwento iyon ni manang Losing sa kaniya ibig sabihin hindi ko nga sinabi ang mga pangungusap na 'yon sa isip ko kundi sinabi ko talaga na maririnig nila?


Napakagat ako sa ibabang bahagi ng labi ko habang inaalala ang mga nangyari.


"I apologize."


Napakunot-noo akong binatuhan siya ng tingin na ngayon ay nakatingin din sa akin.


"P-Para saan?" at nautal pa ako nang magtanong ako.

"Na narinig naming."


Napahagod ako ng hininga kasabay nang paghimas ko ng kamay ko sa leeg ko. Andoon nga siya pero anong ginagawa niya doon at sino kasama niya bakit may namin?


"And he heard your rants too" dugtong niya pa na nagpakagat muli sa labi ko.


Time After It's GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon