Chapter 8

67 9 0
                                    


[ CHAPTER 8 ]


Hindi ko maunawaan pero naramdaman ko bigla ang saya na nunca ko palang nararamdaman. Bumilis ang tibok ng aking puso na hindi pangkaraniwang pintig nito. Pabilis ng pabilis na para bang may karerang nagaganap. Heto na naman ang werdong pakiramdam at sa tingin ko ay humahighest level na ito.


Pinakatitigan ko ang kaniyang maamong mata na tila ba nangungusap at nagtatanong.


"Calista!" agaw sa pansin kong tawag sa akin ng mga kaibigan ko dahilan para mawala siya sa paningin ko at mabalik ako sa huwesyon.


"Dito tayo!" saad nila at kinawayan pa ako ni Israel.


Naglalakad kami papunta sa isang upoan ng train. Naupo ako habang hinahanap ang lalaking nakabunggoan ko. Nakasuot iyon ng uniform na puti at may nicktie na blue na may puti na pinarisan ng puting uniform na ang bahaging kuwelyo ay blue rin, at pants na itim. Nakainsert ang polo na may nakaprint na tila logo ng school nila sa left side ng bahaging dibdib niya.


Hindi ko na siya makita. Tinaas ko pa ang leeg ko, nagbabakasakaling mahagip muli siya ng aking mga mata ng biglang umilaw ang red alert na makikita sa taas at gilid nitong train sa hindi ko malamang dahilan.


"A-Anong nangyayari?" tanong ng iba.


"Nawalan ng preno ang tren" sigaw ng ibang pasahero at kaniya- kaniyang takbuhan papuntang dulo ng train.


"Calista!" Tawag sa akin ni Bethany at hinawakan ako sa kamay.


"Dali!" hila naman sa amin ni Israel.


Natumba ako dahilan para mapalayo ako sa mga kaibigan ko at maiwan. Sa aking pagtayo ay may isang kamay na humawak sa akin.


"Calista!" Napatingin ako ng makita si Israel. Pinagpapawisan at natatakot pero mas piniling ipakitang ayos lang ang lahat.


Mas piniling maging matapang sa likod ng nakakagimbal na kaganapan.


"Ano ba kayo, dali na! Sa kabilang section!" Sigaw ni Bethany at hinila ako sa kamay.


Nagawa pa nila akong balikan bagamat nagsisiksikan na ang lahat.


Nagkibit balikat ako. Nagkakagulo na ang lahat.


Nakakasulasok na rin ang amoy ng loob at ang malakas na usok mula sa unahan. Napabitaw akong muli kay Bethany nang maipit kami ng mga nagdiditditang mga tao.


"Bethany!" tanging nasampit ko habang pilit inaabot ang kamay ni Bethany na nagpupumilit dumitdit para maabot ulit ang kamay ko at mahila ako ngunit di namin nakaya at nahila na siya ng iba hanggang sa di ko na makita. Napatingin ako sa likuran ko. Nakatingin sa akin si Israel na pinagpapawisan.


Kita namin ang ilang mga taong wala ng malay, may iilang natumba at nadaganan, may ibang naipit at naapakan na sa pagtakbo imbes natulongang makatayo.

Time After It's GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon