[ CHAPTER 17 ]
Halos inisa-isa na namin ang mga lalaki ng section namin pero walang may gustong magdonate ng sperm at puro kalukohan lang ang sinasagot sa amin.
"Mabuti sana kung may magmam*sturbate ng akin, ugh" nakakagat sa labing saad ni Carlos na nagpatawa sa mga kalalakihan.
"Napakapasmado at manyak mong hayp ka!" sigaw ni Bethany sabay bato ng notebook dito.
"Oiii! Anong manyak? Ganoon naman talaga, anong tingin mo basta lang lalabas 'yong ano namin na parang umihi?" muntanga pang saad ni Bryant.
"Ako na lang ano ng sa'yo" offer ni Gino na bakla kong kaklase at pakunwareng inaabot ang nakatagong sandata ni Carlos na ikinahalakhak naming lahat.
"Oh ayan na pala si Gino e, kaya mo iyan" asaran nila.
"Anong Gino? Gina! Gaga!" singhal nito kay Luis.
Nahinto sila ng magsalita si Danver,"Ano? Maggaganyanan na lang tayo?" tamad nitong tanong habang nakakunot ang noo dahilan para sumeryoso kami.
Pinilit ulit namin ang mga kalalakihan pero ayaw naman nila at nagpapasahan lang ang mga ito.
Napatingin naman ako kay Bethany at nang magtama ang mga mata namin ay sabay kaming natawa ng lihim na tila ba kumunekta ang aming mga iniisip.
Dalawang tao na lang kasi ang hindi namin natatanong at ito ay ang magpinsang sina Danver at James.
Tumingin si Bethany sa akin bago suminyas ng tingin kay James at tumingin naman ako kay Danver na nagkakamot ng ulo.
Natawa ulit kami.
Inayos pa muna ni Bethany ang sarili niya at makailang ulit na nagbuga ng hangin bago tumayo at lumapit kay Danver.
Nasamid pa siya sa sarili niyang laway ng tingnan siya ni Danver na magkasalubong ang kilay, "I won't!" caswal nitong saad,"Ako na nga nakiusap kay ma'am tapos ako pa magdodonate ng sperm?" reklamo nito na ikinangisi naman nina Luis at Joshua.
Umupo si Bethany sa tabi nito at binulongan ulit habang kinukumbinsi naman ng ibang lalaki ito.
"Sige na 'tol, pogi ka naman e. Maganda iyang sperm mo mga cutie" tapos sinabayan pa nila ng tawa.
Bumato ako ng tingin kay James ngayon na nakayuko sa upoan niya at pinaglalaruan ang ballpen niyang hawak.
Ayokong lumapit sa kaniya para humingi ng sperm.
Nagkamot ako ng batok.
Maya-maya ng kunti, naisip kong kailangan kaya magpapakapal na ako ng mukha sa ngalan ng grades, bumato ulit ako ng tingin sa area ni James pero nagtaka ako dahil wala na ito sa kinauupoan niya.
BINABASA MO ANG
Time After It's Gone
Fiksi RemajaThe past love, is the present love. In the year 2021, the love tale of two people from eighteenth and nineteenth centuries will be brought at the fourth time. After more than hundred years, two people will be born sa ikaapat na pagkakataon, panibago...