[ CHAPTER 18 ]
"Hala! Ibang-iba siya sa cell ng palaka" saad ni Ruena habang nakatapat ang isang mata sa microscope kung saan ay nakasalang ang sperm ni Danver na makikita sa lenses.
"Parang sipon" sigaw naman ni Carelyn dahilan para kaltukan siya ni Bethany.
"Para kang sira, dati ka bang baliw?" natatawang sabi nito kay Carelyn.
Kaniya-kaniya kaming sulat nang observation para sa sperm analysis at reaction paper namin base sa nakikita namin sa microscope samantalang hindi batid ni ma'am na ang ibang kaklase naming mga lalaki ay nangongopya na lang ng observation sa iba naming mga kaklaseng babae habang nagkakatumpokan lang ang mga ito sa isang sulok at nagkukuwentohan tapos maya-maya bigla na lang magtatawanan.
Pinasadahan ko nang tingin sina Danver at James kasama sina Kathlyn na ngayon ay nakaupo at abalang nagsusulat, nakakailang pahina na ng yellow pad ang dalawa sa sinusulat nilang reaction paper habang kami, heto, busy pa rin kakaobserve.
Hindi ko nga masyadong namataang tumingin sila sa microscope para mag-observe, isang tingin lang siguro at hindi ganoon katagal pero may nabuo na agad na reaction paper na kay haba-haba.
"Di ba Kissy mas malapot 'yong sperm ni Baby James kaysa kay Danver?" rinig namin ni Bethany na tanong ni Ross sabay tawanan nila.
"Hoy! Baka nahawakan ninyo 'yong sperm ni James na natapon ah tapos humawak kayo sa pempem ninyo" hirit naman ni Gino sa mga ito at humalakhak ng tawa.
"Gaga! Hindi nuh, mamaya mabuntis pa lang kami, charrrr!" ganti naman ni Fatima.
"Ok lang kung si James at Danver ang makabuntis bagay naman sa akin apelido nila" pagbibiro naman ni Gino at humalakhak ulit.
"Baliw! May ovary ka bakla?" singhal naman ng mga girls sa kaniya.
Napansin ko rin na halos mga kaklase naming bakla ang pabalik-balik sa microscope ko tapos hinahalungkat pa gamit ng stick at maya-maya biglang magtatawanan at magpapalitan ng apir.
Iginala ko ang tingin ko sa buong silid, kaming dalawa lang pala ni Bethany ang magkasama sa iisang lamesa habang ang iba ay naghaharutan at may kaniya-kaniyang group or circle of friends na parang ang individual activity ay nauwi sa brainstorming at groupings.
Nagkibit-balikat pa ako saglit at doon ko lang napagtanto na wala si ma'am Dela Cerna kaya malayang nakakakopya ang mga lalaki naming kaklase.
Sa twenty na istudyante, iilan lang talaga ang pursigido. Sa mga lalaki mabilang lang.
Binalik ko ang tingin sa hawak kong yellow pad.
Nakakailang paragraph pa lang ako.
Bakit kasi ayaw gumana ng brain cells ko?
BINABASA MO ANG
Time After It's Gone
Teen FictionThe past love, is the present love. In the year 2021, the love tale of two people from eighteenth and nineteenth centuries will be brought at the fourth time. After more than hundred years, two people will be born sa ikaapat na pagkakataon, panibago...