Chapter 11

60 9 0
                                    


[ CHAPTER 11 ]


"D-Diwata?!" gulat kong tanong at mabilis na napatayo sa sobrang pagkabigla. Matagal bago nagfunction ang utak ko at magsink-in sa aking isip ang mga narinig ko kaya ngayon pa ako nakapagreact.


May parti sa katawan ko na ayaw siyang paniwalaan pero may bahagi rin ng pagkatao ko ang nagtutulak na pakinggan siya at magsiyasat tungkol sa kaniyang katauhan.


Kung ang kuwento nga namin ni Alfredo ay sobrang napakaimposibleng magkatotoo, ano pa kaya ang istorya ng kaniyang buhay.


Sigurado akong may kuwento sa likod ng kaniyang pagkatao.


"Not actually na diwata talaga" natatawa niyang sabi, "Instead, isang anghel na sinumpang maging tao pero tinuring na kakaiba at tinawag na Diwata ng mga tao. Kinilala ang anghel na Diwata dahil madalas itong nakikita noon sa kagubatan." wala siyang balak ngumiti sa pagkakataong ito at sabihing biro lang ang lahat.


Tumango ako ng ulo at napahagod ng sintido bago bumalik sa pagkakaupo.


"Isang uri ng mythology o kuwentong bayan na kung saan ay nakagawa ng kamalian ang isang anghel kaya itinapon sa lupa bilang parusa?" may halong pagdududa kong tanong.


Ngumiti siya at makailang ulit na tumango ng ulo bago naglunok- laway.


Anong sunod nito? Magpapalit ba siya ng anyo at biglang magniningning na sobrang nakakasilaw? O di ba kaya bigla siyang maglalaho at mawawala sa aking paningin? Huwag naman sanang mangyari na bigla siyang magkakapakpak at sabihing isasama niya ako sa kanilang kaharian para gampanan ang isang misyon dahil wala akong balak maglakbay sa isang nakakapagod na epic adventure.


"Hayaan mong isalaysay ko sa'yo ang lahat" agaw niya sa pansin ko. Nanatili akong tahimik at pinilit na ituon ang aking atensyon sa kaniyang mga sasabihin.


"Noong unang panahon, may isang batang lalaki ang nalulunod sa isang ilog. Ang ilog ng pagtangis. Nakita ito ng isang binata kaya agad siyang lumundag sa tubig at lumangoy para sagapin ang batang nalulunod, sa kabilang bahagi ng istorya. Walang may alam na may isang anghel na noon ay masayang namamasyal sa isang lupain, tanaw niya ang ibaba mula sa himpapawid at nakita rin ng anghel ang batang lalaki na nalulunod sanhi upang bumaba siya mula sa kalangitan para iligtas ang bata. Nang mga pagkakataong iyon. Hindi sukat ng dalawa na magtatagpo sila. Nang sandaling itaas ng lalaki ang kamay niya para hawakan ang bata at nang ibaba naman ng anghel ang kaniyang kamay para abutin ang batang malapit nang maubosan ng hangin sa katawan ay hindi nila inaasahang ang mga kamay nila ang nagtagpo. Saglit silang nagkatitigan. Ang mga mata ay nangungusap sa isa't-isa. Ibig ng anghel na maglaho na lamang at takasan ang binatang nakakita sa kaniya subalit kinakailangang tulongan ang batang nalulunod kaya kahit alam niyang maaari siyang mapahamak ay pinili niya pa ring gawin ang nararapat at tama." Huminto ito at bahagyang bumato nang tingin sa akin.


"Naligtas ang bata ngunit nagsimulang mahulog ang dalawa sa isa't isa. Nagdaan ang maraming araw, batid ng anghel na hindi pang-ordinaryo ang kaniyang nararamdaman para sa binatang nakilala. Naging madalas ang kanilang pagkikita hanggang sa mag-ibigan sila ngunit ang batas ay batas. Ipinagbabawal sa mga anghel na umibig sa tao at hindi iyon napigilan ng anghel sapagkat inibig niya ang binata at bilang kaparusahan. Ipinatapon sa lupa ang anghel at mamumuhay na siyang tulad ng isang tao. Dahil doon, naging daan para maging malaya ang dalawa, ipinagpatuloy nila ang lihim nilang pag-iibigan hanggang sa," saglit siyang huminto, nagbuga nang hangin sa kawalan bago nagpatuloy, "dahil sa tao na rin ang anghel. Isang mayaman ang umibig rito at pinapatay ang binatang iniibig ng anghel. Hindi matanggap ng anghel ang sinapit ng kaniyang iniibig at dahil sa dati siyang anghel." Ngumiti siya na may halong lungkot at tumingin sa akin.

Time After It's GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon