Chapter 39

15 6 0
                                    


[ CHAPTER 39 ]


MAGKASAMA kaming naglakad patungo sa kanila nang hindi nauubosan nang mga pinag-uusapan sa buhay. Medyo malayo rin pala kung lalakarin kaya kailangan talagang sumakay ng tricycle, tapos baba sa train station para sumakay ng train at sasakay ulit ng tricycle pag nakalabas ng train.


Parang sa amin lang din.


Dala nang pag-uusap namin tungkol sa mga bagay-bagay ay hindi namin napansing nakarating na pala kami sa tapat ng bahay nila.


Magaling din kasi siya mag entertain ng tao at maganda ang communication skills niya kaya hindi mo talaga mapapansin ang takbo ng oras.


"Nandito na tayo," aniya sa akin at humawak sa gate ng bahay nila.


Tulad ng amin. Halos magkakadikit din ang mga bahay ditong konkreto pero magaganda at may tig-iisang gate. Subdivision din kasi tulad ng amin.


"Wait lang ah, check ko kung andyan sina mommy at daddy" Saad niya sabay bukas ng gate,"Sabihan ko lang na may kasama ako para hindi sila magulat at mag-isip ng kung ano-ano" bulong niya pa sa akin at ngumisi na parang nakakaloko bago tumalikod.


"Mom! dad!" rinig kong sigaw niya sabay hubad ng sapatos niya nang makalapit siya sa pinto ng bahay nila.


Nilagay niya sa tabi ang pares niyang sapatos. Saglit pang bumaling sa akin nang tingin at ngiti bago pinihit ang doorknob ng pinto ng bahay nila.


Pumasok ito sa loob at mula sa labas ay tanaw ko ang maganda nilang bahay. Makinis, tiles at kompleto sa mga appliances.


Makailang ulit pa niyang tinawag ang parents niya at nagpaikot-ikot sa loob ng bahay nila na nagkakamot ng ulo. Maya-maya, nawala na ito sa paningin ko. Sinubukan ko siyang silipin pero hindi ko na makita. Bigla tuloy ako kinabahan, paano na lang kung may mangyari sa kaniya sa loob ng bahay nila o gumawa ng ibang paraan ang tadhana para mamatay siya sa taong ito?


Napabuntong-hininga ako, masyado na yata akong napapraning. Umiling ako ng ulo, kailangan kong pakalmahin ang sarili at i-enjoy ang mga sandaling kasama ko siya.


Nakahawak ako ngayon sa shoulder bag ko at nakayuko habang winawaglit sa isipan ang mga bagay na nagpapaoverthink sa akin.


Nakabalik lang ako sa realidad nang muling magbukas ang pinto at sa sandaling iyon, napahangad ako at napatingin sa lalaking inuluwal ng pinto.


Hindi na siya nakauniform, nakasuot na siya ng t-shirt na may nakasulat na "Never give up" na kulay pink na t-shirt na pinaresan ng gray na short.


Magulo pa ang buhok at halatang hindi nakapagsuklay matapos magbihis.


Maputi siya at mas kita ang kaputian niya ngayon, napakaamo ng mga matang bagay sa bilugan niyang mukha. Matangos na ilong na bumagay naman sa manipis na labing pinkish. Halatadong anak mayaman pero mabait at mapangasar.

Time After It's GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon