[ CHAPTER 14 ]
Napayuko ako ng ulo.
"James, come on! Pahinga ka na!" gayak sa kaniya ni Danver.
"James..."
Lalapit na rin sana ako para pakalmahin siya pero natigilan ako at napaurong ng humarap ito sa akin at parang hindi na lasing na kinausap ako.
"Wow! Andyan ka pala, mabuti at naisipan mo pang sumipot kasi sa totoo lang kanina pa ako umaasang darating ka. Alam mo ba kung ilang oras akong naghintay sa bahay n'yo kasi sabi mo magde-date sana tayo? mga tatlong oras lang naman tapos 'yong wala ka pa, bumalik ako doon sa school natin para i-check ka pero ang sabi sa akin ni kuya guard umuwi ka na kaya ayon nagtravel ako papunta sa bahay ng kaibigan mong si Bethany then pagdating doon wala ka. Aminin mo nga, tinataguan mo ba ako? And why did you do this to me? Alam mo Calli ginagawa ko na ang best ko para mapusoan mo mula pa noong high school pa tayo at kahit anong gawin mong iwas at basted sa akin I'm still here waiting for your love kasi nga mahal kita e, di kita malimot e. Nandito ka sa isip at puso ko Calli, mahal na mahal kita pero bakit parang wala lang ako sa'yo?" panghihimutok nitong sabi.
Sa sandaling marinig ko ang mga sinabi niya ay kusang tumulo ang mga luha ko.
Mahal ko rin siya e, mahal na mahal. Kahit anong limot ang gawin ko hindi ko magawa. Pinipilit ko namang maging ayos ang lahat pero pakiramdam ko lahat ng ginawa ko ay hindi sapat. Ilang beses na kaming pinanganak at pinagtagpo pero pilit na pinaglalayo pa rin ng panahon. Lagi siyang nasa isip at puso ko. Ganoon ko siya kamahal.
Tiningnan ko si James. Bakit ganoon? Siya na tatlong oras lang naghintay pero ganito na ang reaksyon samantalang 'yong ibang tao nga higit pa sa limang taon naghintay pero hindi nagawang sumuko. Sa bagay, wala naman ako sa posisyon niya para malaman ang napagdaanan niya sa loob ng mga sandaling hinintay niya ako habang hinihintay ko naman ay iba.
James, sorry! Tanging naibulong ko sa isip ko.
"Why?" basag boses nitong tanong sa akin"Why does Bethany fall inlove to Danver e mas siraulo pa nga iyang si Danver kesa sa akin and you won't accept me? Is it hard to accept my love? Mahirap ba akong mahalin? Why don't you tell me kung anong pagkukulang ko, Calli? Baka puwedeng mag-give ka naman ng chance for me. I'm begging you, bigyan mo naman ako kahit kunting chance" mangiyak- ngiyak niyang saad na para bang nagmamakaawa.
Ramdam ko na ilang saglit na lang ay iiyak na ito ng tuloyan. Hindi naman siya ganito noong first time niyang uminom. Ilang beses na siyang nalasing pero ito ang unang beses na nakita ko siyang ganito.
Muli akong napayuko ng ulo.
"I did my best naman and I know you noticed all of it pero bakit ganito parang wala lang sa'yo? Mahal kita pero bakit parang wala lang sa'yo. Pagod na akong magghost pero niminsan ay hindi ko iniisip nasukuan ka."
"S-Sorry!" tanging naiusal ko habang wala nang tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Sa mga sandaling ito, hindi ko na napigilang hindi maluha.
![](https://img.wattpad.com/cover/300977342-288-k472713.jpg)
BINABASA MO ANG
Time After It's Gone
Teen FictionThe past love, is the present love. In the year 2021, the love tale of two people from eighteenth and nineteenth centuries will be brought at the fourth time. After more than hundred years, two people will be born sa ikaapat na pagkakataon, panibago...