Chapter 25

58 7 0
                                    


[ CHAPTER 25 ]


NAPATINGIN ako rito at medyo nagulat ng makilala ko ito, siya 'yong babaeng nginitian ko sa comfort room pero sinupladahan lang ako at siya rin iyong babaeng nakita kong kasama ni James na lumabas ng mall.


"S-Sure!" rinig kong saad ni James at bumato ng tingin sa akin. "What would you like to eat?" tanong pa ni James rito at sa pangatlong pagkakataon, muli kong nakita ang ngiti niyang ang hirap ipaliwanag.


"You" malanding sagot ng babae sa tanong ni James na ikinalaki ng mata ni Bethany habang humihigop ng softdrink sa straw.


"I mean, ikaw kung anong bibilhin mo but I like to eat burger with softdrink too" maarteng sabi nito at nagpasama pang umorder kay James sa counter.


Nagpaalam si James sa amin bago tumayo. Nakayakap namang tumayo ang babae sa braso ni James pero normal na kilos lang ang kinikilos ni James. Parang sanay na siya sa ganoong attitude ng babaeng kasama niya ngayon.


Magkasama nilang tinungo ang counter at umorder, nakita ko pa kung paanong nakangiti silang nakipagpalitan ng kaway at kumustahan sa mga bumabati at nakikipag-asaran sa kanila na nakakakilala sa kanilang pareho.


Napalihis ako ng tingin.


Hindi ko na talaga malaman sa puso ko, tila sumasang-ayon na siya sa isip ko.


Walang kami pero bakit parang nagseselos ako?


Hindi ko mahal si James. Isa lang ang taong mahal ko at ito ay ang taong matagal ng wala. Napayuko ako.


Naniniwala pa rin naman akong hindi pa tapos ang aming kuwento. Kung hindi man ngayon baka sa mga susunod na buhay kung sakali mang ipanganak ulit kami. Mas nanaisin ko pang tumandang dalaga pero, napabuntong-hininga na naman ako. Bakit ang pangit ng pakiramdam ko at tila nawalan ako ng gana?


Napaayos ako ng upo ng magsalita si Bethany at ginaya-gaya ang maarteng kilos at pananalita ng babaeng kasama ni James ngayon.


"Akala mo maganda e, mas maganda ka pa doon duhh" aniya sa akin na bahagyang nginitian ko naman para ipakitang ayos lang ako.


"Ayan! Ngiting napipilitan, sabi ko naman kasi sa'yo huwag mo na pakawalan si Pappi Jams e tignan mo mukhang naunahan ka na. Kung kailan nagkakasama na kayo at nakakapalagayan ng loob saka tuloy may third party na magaganap" biro n'ya pa sa akin na inasiman ko naman ng mukha.


"Masakit ba baks?" patuloy nitong pangangasar sa akin.


Bahagya naman akong sumukli ng tawa at sana sa pangalawang pagkakataong ito hindi na halatang peke kasi wala naman talagang dahilan para masaktan ako.


"Sira! Magkaibigan lang kami" natatawa kong wika.


"Kaibigan lang ba talaga?" tanong pa nito.

Time After It's GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon