Chapter 32

18 6 0
                                    


[ CHAPTER 32 ]


LUHAAN akong nagkulong sa kuwarto ko ng ilang araw dahil sa lahat nang sama ng loob ko. Balde-badleng luha na yata ang naipon ko kung sakaling sinahod ko ang mga ito.


Halos dalawang araw din yata akong hindi lumabas at kumibo sa kanila. Maski sa mga chat and call ng mga kaibigan ko.


Nawalan ako nang ganang pumasok. Ayoko na rin kumain. Gusto ko na lang laging nasa kuwarto ko. Parang sa apat na sulok ng kuwarto kong ito na lang umiikot ang mundo ko.


Para yatang habang tumatagal, sa paulit-ulit na pagsilang sa akin ay mas lalong pasama nang pasama ang bawat kaganapan sa buhay ko.


Napabuntong-hininga ako nang sumagi sa isip ko ang mga ilang pangyayaring naganap noong mga nagdaang araw.



"Nak!" tawag sa akin ni Dad sa labas habang kumakatok.


Hindi ako kumikibo at naglagay lang ng unan sa ulo habang nakahiga.


"Calista, hayaan mo namang magpaliwanag ako." ani niya pa pero hindi ko pa rin siya pinapansin.


"Nak, kausapin mo naman kami ni Daddy mo, magpapaliwanag kami. Hindi namin intention na saktan ka. Aamin naman talaga kami at naghahanap lang kami ng pagkakataon. Sana hindi maging sarado ang isip mo. Huwag mo rin sana idamay sina kuya Klein at Leemark sa galit mo." Saglit itong tumigil at parang umiiyak na muling nagsalita,"Sorry, Calista! Mauunawaan mo rin kami kapag nalaman mo na ang buong kuwento."



Napalunok-laway ako at napatitig- matang nakatingin sa kesama ng aking silid.


Parang gusto ko na lang maging isang butiki, kapag naputol ang buntot may pag-asa pang maghilom at bumalik sa dati. Ang tao, kapag naputulan ng parti sa katawan o masugatan sa kahit na anong parti ng katawan lalo na ang puso, matagal maghilom at hindi na babalik sa dati sa halip nagkakalamat pa tuloy na tulad sa tiwala. Kapag nasira ang tiwala, mahirap nang ibalik.


Napahawak ako ng tiyan ko nang makaramdam ako nang hapdi sa tiyan. Tila nagtatalo-talo na ang mga organs na sakop ng digestive system ko.


Iisa ang sinasabi ng mga ito, gutom na sila at kailangan nilang kumain para makapag-function nang maayos. Kailangan kong kumain para maging malakas at para may lakas akong ihirap sa mga hamong hinaharap at kahaharapin ko pa lamang.


Napatayo ako at napasuklay ng buhok ko gamit ang mga daliri ko nang marinig ko ang pagbukas ng gate namin at ang pag-andar ng sasakyan.


Sumilip ako sa bintana at kita ko sina daddy at manang Losing na sumakay sa van namin. Maya-maya ay natanaw ko ang sasakyang umalis sakay sina Dad at si Manang Losing, sigurdado rin akong nasa back seat si Leemark. Bonding nilang tatlo ngayon habang nasasaktan ako. Sige, i-enjoy lang nila.


Nagpapasalamat na lang din ako dahil umalis sila. Nagkaroon ako nang dahilan para lumabas ng kuwarto ko. Nawawalan kasi ako nang gana kapag andyan sila.

Time After It's GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon