[ CHAPTER 6 ]
"Ngunit ang kanilang pag-iibigan ay tila hinamon ng kapalaran. Taong 1891, ito rin ang taon kung kailan pinalayas si Esmeralda sa mansion ng pamilya Castillo dahil kay Selina na tinuturing nitong kapatid at matalik na kaibigan, di umano'y tinardor ni Selina si Esmeralda. Hindi alam ni Esmeralda na magagawa nito ang isang bagay na magpapabago ng kaniyang buhay. Sinadyang ilagay ni Selina sa gamit niya ang gintong kuwintas ni Donya Juana dahilan para palayasin at pagtabuyan siya sa mansyon. At sinasabing nagawa iyon ni Selina sa kadahilanang una pa lang, bago pa man makapasok sa mansyon at manilbihan ni Esmeralda sa pamilya Castillo ay may lihim ng pagtingin si Selina para kay Alfredo." Pagsasalaysay ni Sir.
"Mayo 12, 1891. Kinasal si Alfredo kay Juliana Balbuena at nagsama sila ngunit taong 1892, Namatay si Alfredo Castillo at ang kaganapan sa pamilya Castillo ay nasundan pa ng ilang masalimuot na kaganapan. Lumipas ang ilang buwan, matapos mamatay ni Ginoong Alfredo ay namatay si Donya Juana. Binitay si Don Felipe sa salang pakikipagsabwatan sa mga rebeldeng kumakalaban sa pamahaalang espanya. Dahil doon ay nilisan nina Ginoong Juacinto at Limael ang kanilang hacienda na mabilis namang napasakamay ng isang pamilyang matagal ng may galit sa pamilya Castillo. Nanirahan sina Juacinto Castillo at Limael Castillo sa kabundukan kasama ng ibang mamamayan na naghahanap ng hustisya. Ngunit isang dakog ang muling dumating sa magkapatid. Namatay si Limael Castillo na walang anak at asawa nang tamaan siya ng bala sa ulo habang ginagamot ang kanilang mga kasamahan nang lusobin sila ng mga sundalong espanyol." Sabi ni Sir at sa bawat bigkas niya ng mga pangyayari ay ang pagkirot ng aking puso.
"Naging hudyat ito ng bagong simula para sa nag-iisang anak na buhay ng mag-asawang Castillo. Nag-asawa si Juacinto Castillo habang nagtatago sa pangalang Alberto Montalban para makatakas sa mga taong naging sanhi ng pagbagsak ng kanilang pamilya at nabuntis ang kaniyang kasintahan na si Martina Pascual at pinanganak si Necomedes Montalban at nasundan pa ng dalawa na sina Rita at Bergelio" matapos ay muling nagbago ang larawan sa screen at ipinakita ang pamilya ni Necomedes.
Sa larawan ay makikitang nakaupo si Ginoong Juacinto sa katauhan ni Alberto Montalban habang nakatayo rin sa tabi nito si Martina na kalong-kalong ang bunsong anak na si Bergelio at ang nasa tabi nito ay ang nag-iisang anak na babae na si Rita habang nasa gilid naman ng ama ang nakatayong si Necomedes.
"At ito ang mukha ni Necomedes Montalban" wika ni Sir at pinakita ang litrato ng isang matipunong lalaki. Nakasuot ng lumang sumbrero na makikitang ginagamit ng mga magsasaka at nakasuot ng Camesa de Tsino.
"Magkamukha nga sila" minsan pang bulalas ng mga kaklase ko.
"Grabe! Anak mayaman pero marunong magtanim ng palay, puwede umorder sa shoppe?" biruan nila Danica at Xhelle.
"Taong 1919, muling pinagtagpo ang dalawang puso sa panibagong katauhan. Sa katauhan ni Necomedes at ni Estella na nagmula sa lahi ni Esmeralda. Ngunit, taong 1920. Muling pinaglayo ang dalawa dahil nabalitaan ni Necomedes na nagkaroon ng giyera sa kanilang barrio at aksedenteng tinamaan sina Alberto at Bergelio ng bala na ikinamatay ng mga ito. Habang lumipas ang mga araw at buwan, nabaliw si Martina at kalauna'y namatay rin. Nagpatuloy ang istorya, kahit ang natira sa pamilya Montalban ay sina Necomedes at Rita ay ipinagpatuloy nila ang laban hanggang sa nabawi ni Necomedes ang kanilang lupain at mansyon sa mga taong sakim. At kasabay noon ay muling nagtagpo ang dalawa ngunit sa pagkakataong ito, nakatakda ng ikasal si Estella sa isang lalaking sundalo na mula sa mayamang pamilya ng Flores. Nagtangkang tumakas ang dalawa ngunit nahuli sila dahilan upang barilin si Necomedes na ikinamatay nito." Mapait na ngumiti si Sir habang sumisikip ang dibdib ko.
BINABASA MO ANG
Time After It's Gone
JugendliteraturThe past love, is the present love. In the year 2021, the love tale of two people from eighteenth and nineteenth centuries will be brought at the fourth time. After more than hundred years, two people will be born sa ikaapat na pagkakataon, panibago...