Chapter 35

17 6 0
                                    


[ CHAPTER 35 ]


TULUYAN na akong nakalabas ng campus at bumungad sa akin ang gate na kung saan ay may mga estudyanteng nagpupumilit na makalabas pero hinaharangan ng guard naming suplado.


Pikit mata akong napaisip nang maaari kong gawin para makatakas sa guard. Naaalala ko ang mga panahong lumipas na kung saan ay nagawa ko pang makipagtalo sa guard dahil ayaw akong palabasin kahit nag-explain na akong uuwi ako kasi naiwan ko ang project ko sa PE kaya tuloy ang nangyari ay nagkaroon ako nang mababang marka na grado.


Ngumuso ako habang pinapanood ang mga ito.


Need ko umisip ng ibang paraan para maging valid ang aking reason at palabasin ako ng guard.


Napunta ang tingin ko sa isang babaeng nakahawak sa tiyan.


"Kuya guard ang sakit na talaga ng tiyan ko. Natatae na ako" namumulang mukhang sabi nito.


"Hindi!" mabagsik na sabi ng guard at tila wala talaga siyang balak palabasin ang istudyanteng nagmamakaawa sa harap niya.


"Anong hindi? natatae na nga siya tapos hindi ka pa rin nang hindi d'yan? Ano? Dito mo siya patataehin?" sagot naman ng ibang istudyanteng kasama nito.


"Huwag n'yo akong niluluko dahil alam kong palusot n'yo lang iyan" istrikto nitong sabi.


"Anong niluluko? kapag natae ako dito kakainin mo ba?" ani naman ng estudyanteng namumula na ang mukha at tila tunay na natatae.


"Bastos ka ah, baka nakakalimutan mo guard ako at mas matanda ako sa'yo kaya matoto kang rumespeto."


"Kuya guard pagbigyan mo na kasi s'ya, natatae na 'yong tao e" saad ng iba na ikinangisi ko naman.


Naisip ko tuloy na kung ito bang eksena na ito ay talagang nangyari dati at hindi ko lang nakita dahil wala ako dito no'ng mga sandaling iyon o hindi at nangyari lang ito dahil sa iniba ko ang mga mangyayari dapat sa mga sandaling ito?


Hindi nagtagal, sa pamimilit nila ay napapayag nila ang guard.


"Hoy! saan ka pupunta?" tanong ng guard sa isang lalaki na kasama ng babaeng sumasakit daw ang tiyan.


"Ede sasamahan siya."


"Anong sasamahan? balik, balik!" saway ng guard at pinapabalik ang binata na sa tingin ko ay nobyo ng babaeng sumasakit ang tiyan at natatae na raw.


"Baka mamaya mapano ito kaya sasamahan ko na" pilit ng binata at wala nang nagawa ang guard kundi ang mapakamot sa ulo.


Anong excuse ang gagamitin ko?


Patuloy sa pagpupumilit ang ibang estudyante dahilan para kunin ko ang pagkakataon upang tumakas pero aksedenteng naagaw ko ang pansin nito dahilan para hindi ako tuluyang nakalabas sa gate na nakabukas ngayon.

Time After It's GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon