Chapter 24

68 8 0
                                    


[ CHAPTER 24 ]


TULALA lang akong naglalakad kasama ng mga kaibigan ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi maalis sa isip ko ang naging pagtatalo nina Federick at Emmanuel kaninang umaga. Feeling ko may pinaglalaban si Emmanuel na hindi lang niya masabi, kitang-kita kanina sa mukha niya ang tila pagkainsulto sa mga sinabi ni Federick laban sa kaniya.


Maski ako ay ginugulo ngayon ng aking mga alalahanin at kuryosidad dahil sa mga binitawan niyang statement.


Napahagod ako ng batok ko ng maalala ko ang kuwintas na hawak ko ngayon. Paano nga kung itong hawak kong kuwintas ay isa sa tinatawag na Time machine?


Paano nga kung makalikha ang tao ng isang time machine na magtutulak pabalik sa nakaraan? Kung titingnan ay magandang advantage naman iyon para sa akin kasi baka sakaling mabago ko pa ang nakaraan at maligtas ko ang mga taong mahal ko sa buhay. Sina Israel, Danica, Xhelle, Chesca at ang boyfriend nitong si Jordan. Bumuntong-hininga ako, pati si Brando.


Alam kong iyon ang unang beses na nagkita kami ni Brando pero batid ko na matagal na kaming magkakilala dahil iba ang nararamdaman naming dalawa. Naalala ko pa nang mga sandaling nagtagpo ang aming mga mata sa loob ng train. Kitang-kita ko sa mata niya ang aming mga nakaraan.


Mahirap man paniwalaan pero siguradong-sigurado na ako na si Alfredo ay siyang Brando ngayon. Patuloy akong wala sa sarili habang naglalakad.


Aminin ko man o hindi pero nagugulohan na talaga ako. Nagdududa na ako sa pagkatao ko. Nagkakaroon na ng pagtatalo sa aking sarili.


Napahangad ako ng tingin sa gilid ko nang madaanan namin si Federick na ngayon ay bidang-bida sa sarili na ikinukuwento sa mga tropa niya ang ginawa niyang katarantadohan pero naisip ko lang, kung nasimulan ang theory na ito, ibig sabihin hindi malabong magkatotoo.


Maraming nagagawa ang science pero may point din ang iba kong mga kaklase. Kapag nangyari iyon, hindi natin alam ang possible na mangyayari sa hinaharap at kasalukuyan.


"Hoy! Ang lalim yata ng iniisip mo?" rinig kong tanong sa akin ni Bethany at naupo sa isang upoan.


Sa lalim pala ng iniisip ko ay hindi ko na napansing nasa cafeteria na pala kami. Para lang akong lutang na naglalalakad sa bawat labi ng school at nakasunod sa mga kasamahan ko hanggang sa makarating dito sa cafeteria.


"Anong bibilihin ninyo? Ako naoorder para isahan na lang?" ani naman ni James na umagaw ng atensyon ko.


Hanggang ngayon nakangiti pa rin siya at parang ayaw matanggal sa mukha ang saya. Sabagay, birthday nga naman niya ngayon. Alam kaya nina Danver at Bethany na birthday niya ngayon? Baka, siguro, hindi malabo iyon dahil magpinsan sina Danver at James.


Believe din ako sa lalaking ito, nagawa akong hintayin at pagtyagaan kahit ilang ulit ko nang denedeadma at iniiwasan. Napasapo ako sa dibdib ko ng biglang magkaroon ng kakaibang pintig ito. Hindi ko na talaga malaman ang nangyayari sa pagkatao ko. Gulong-gulo na ako.

Time After It's GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon