Chapter 30

17 5 0
                                    


[ CHAPTER 30 ]


Habang nagdadaldalan sina Bethany at Carelyn ay tahimik lang akong pinapanood ang practice ng mga basketball player. Di ko alam kung magaling ba talaga si James o nagpapabelieve lang kay Samantha na ngayon ay nanonood din. Panay ang shoot nito ng bola sa ring na walang palya.


Mabilis din kumilos si James, basa na rin sa pawis ang damit na suot ng bawat manlalaro na lalong nagpacool sa kanila.


Napunta sa ibang direksyon ang pansin ko nang kalabitin ako ni Bethany.


"Nakikinig ka ba?"


Napakunot ako ng noo, "Sa alin?" kasabay ng paggala ko ng tingin. Wala na pala si Carelyn at mangilan-ngilan na lang din ang mga istudyante. Nagsipag-uwian na ang iba.


"Mamayang gabi pa iyan sila matatapos. Ano? Di ka uuwi?" tanong niya pa sa akin dahilan para mapatayo ako at mapahapsay sa buhok ko.


"Tara!" tamad kong tugon at saka kinuha ang bag ko.


Saglit pa siyang nagpaalam kay Danver habang naagaw naman ng pansin ko ang pagsulyap ng tingin sa akin ni James.


Matapos nila magpaalam sa isa't-isa ay nagpasya na kaming maunang umuwi.


Tulad ng nakagawian namin, naglalakad lang kami hanggang papuntang bahay nila Bethany habang nagkukuwentohan na kahit kunti wala na namang pumasok sa utak ko. Ako na ang naawa sa ngala-ngala ni Bethany kakangawit niya ng kung ano-ano.


Ilang saglit pa, nakarating kami sa bahay nila. Sandali pa kaming tumambay doon dahil nauhaw ako. Matapos kong makiinom ay nagpaalam na rin ako sa kaniya.


Naglalakad ako ngayon papuntang train station. Gusto ko sanang sumakay na lang ng tricycle pero masyado pa namang maaga at hindi naman mainit kaya nagdesisyon na lang akong maglakad.


"Kuya, tagmagkano?" tanong ko sa isang lalaking nagbebenta ng fishball sa cart niya.


Nakaistambay ito ngayon sa labas ng eskeneta ng lugar nila Bethany. Naghihintay ng mga bibili.


"Piso isa ma'am" sagot niya.


Bumili ako ng mahigit twenty pesos. Habang naglalagay ako ng fishball sa disposable glass ay may dalawang batang mukhang nasa 15 at 17 years old ang lumapit para bumili rin. Sa hindi ko sinasadya ay narinig ko ang mga pinag-uusapan ng mga ito.


"Bible na may sabi n'yan bukod kay Priest Ethan. Inexplain lang niya sa atin" sagot ng isang bata sabay sa hapsay sa buhok niyang nakalugay na pinalalaruan ng may kalakasang ihip ng hangin. Buti na lang ako nakatali buhok ko kahit panyo lang.


"Paano naman nangyari iyon?"nagdududang tanong ng isa pang babae.


"Hindi ka yata nakinig e, di ba nga sabi raw doon sa bible na bumaba ang mga anak ng Diyos sa lupa at nakapangasawa ng mga anak ng tao kaya isinumpa at nanganak sila ng mga higante." Paliwanag ulit ng isa na bahagya kong ikinatigil.

Time After It's GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon