[ CHAPTER 36 ]
Napahapsay ako ng buhok ko tulad nang madalas kong gawin habang nakahawak sa ID. Bawat estudyanteng tumitingin sa akin ay nginingitian ko na lang kahit hindi nila ako magawang suklian ng ngiti huwag lang masabihan nang suplada. Ilang saglit pa akong naghintay hanggang sa may magsalita sa likuran ko.
"Excuse miss" rinig kong tawag sa akin ng isang lalaki mula sa likuran ko na ikinalaki ng mata ko.
NANINIGAS akong napaharap sa likuran ko kasabay nang tilian ng ibang estudyante.
"Happy Valentine's day!" bati ng isang lalaki sa babaeng nasa likutan ko kasabay ng pag-abot nito ng bouquet of red roses na nagpalunok ng laway ko.
Paasa! Akala ko siya na 'yong taong hinahanap ko. Hindi pa pala.
Inis akong napahapsay sa buhok ko. Kainis talaga! nabunggo pa ako ng ibang estudyanteng nagtakbuhan palapit sa likod ko para makiisyuso sa magjowang pabebe na noon ay nasa likuran ko pa naglambingan.
Mga attention seeker! kainis talaga! Need pa ba iyon? hindi ba puwedeng iprivate 'yang bigayan nila ng roses? kailangan talaga ipaglandakan?
Napanguso akong napabuntong- hininga na naman at saka humakbang patabi at palayo sa mga ito. Napabalik ako nang tingin sa gate nang dumating 'yong guard.
"Ano iyan?" agaw sa pansin nila ng guard.
"Wala kuya guard, "yong prince campus kasi natin at 'yong princess of Lhiverian nagkaayos na" kinikilig na sabi ng mga estudyante.
Umirap na lang ako.
Sana all may Prince and Princess of Lhiverian.
Napunta ulit ang tingin ko sa guard nang tinawag ako nito.
"Anong sabi kuya?" nakangiti kong tanong rito.
"Sorry pero kanina pa raw umalis, alas-dose na kasi. Hindi iyon dito kumakain, sa restaurant" saad nito sabay turo sa gilid ko kung saan ay makikita ang direksyon patungong Millos Restaurant.
"Sigurado ka kuya?" wala na sa sarili kong tanong. Bigla ako nakaramdam nang pagod.
Pabilis nang pabilis ang takbo ng oras pero wala pa akong nagagawa. Tila tutol talaga ang tadhana sa aming dalawa.
Tumango ito ng ulo.
"Sino kuya?" tanong ng dalawang babae.
"Si ano—" hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang muli akong magsalita.
"Ah, okay na kuya, wait ko na lang siya dito baka dumaan."
"Kumain ka na lang muna miss, alas dose na at baka magutom ka."
BINABASA MO ANG
Time After It's Gone
Teen FictionThe past love, is the present love. In the year 2021, the love tale of two people from eighteenth and nineteenth centuries will be brought at the fourth time. After more than hundred years, two people will be born sa ikaapat na pagkakataon, panibago...