[ Prologue ]
Nanginginig ang buo kong katawan. Kahit anong gawin kong pagpapakalma ay hindi ko magawang pakalmahin. Nanginginig akong napatakbo sa isang tabi.
Naiiyak ako. Gusto kong umiyak at ibuhos ang lahat ng sakit na nadarama ko ngayon.
Pagod na ako.
Damang- dama na ng katawan ko ang pagod. Magiging sinungaling lang ako kung sasabihin kong hindi kahit ang totoo, hindi naman talaga ako okay.
Na pasuko na ako, na nakakaramdam din ako ng pagod.
Naisip ko na baka nga hindi talaga kaming dalawa ang para sa isa't isa.
May mga bagay na kahit ipilit natin ay hindi maaari. At kapag pinagpilitan naman natin ay mas lalo lang tayong masasaktan.
Oras na yata para palayain ko siya, pero... pero may part din sa katawan ko ang ayaw pang sumuko. Ang puso ko, maaaring iba ang kinikilos ng katawan ko sa gustong mangyari ng puso ko ngunit kampi ang isip ko rito. Iisa ang gusto nilang iparating sa akin.
Hindi ako puwedeng bumitaw at lalo-lalong ayoko bumalik sa taong 2026 at iwan ang 2021 na wala akong nagawa.
Nagsimulang manginig ang tuhod ko kasabay ng pagtunog ng kampana ng simbahang malaki na malapit sa plaza. Ang San Agustin Church. Tumutunog ito sapagitan ng oras na 12, 1, 4, 6 at alas 9 para paalalahanan ang mga taong malapit dito na oras na ng pagdarasal at pagdedebosyon.
Napaupo ako sa upoang nasa gilid ko at ilang saglit pa ang lumipas ay hindi ko na gawang pigilang huwag tumulo ang mga luhang kanina pa nagkukubli sa aking mga mata kasabay nang mga alaala na gumuhit sa aking isipan na kung saan ay naging saksi ako sa minsang pagluha ni Lee sa kuwarto ko. Hindi pa naman ako nasasaktan pero bakit ang bigat na ng pakiramdam ko. Bakit feeling ko pinagdaganan na ako ng langit at lupa.
"Sana kung gaano kabilis ang acceleration natin, ganoon din tayo kabilis magmove on." rinig ko pang sabi niya.
Napalunok ako ng laway ko, sana nga kasing bilis din ng acceleration ang paglipas ng sakit na nararamdaman ng puso para hindi nahihirapan ang tao. Para madali na lang makamove on, 'yong tipong parang nadapa ka lang at nang makabangon ka mula sa pagkakadapa ay okay ka na agad.
Parang mga bata lang, 'yong tipong kapag nasaktan at binilihan mo ng lollipop ay ngingiti na ulit at magiging masaya na ulit, makakalimutan agad ang sakit na minsang dinanas.
Napayuko ako nang maalala ko pa ang minsang sinabi sa akin ni Lee.
"Pero alam mo ate," tawag niya sa pansin ko na ikinahangad ko naman ng tingin sa kaniya. "Kasalanan ito ni Sir Isaac Newton e" dagdag niya pa na ikinalalim naman ng noo ko.
"Why?" kuryos kong tanong sa kaniya na ikinahinto naman niya sa pagtatalipa ng mga letra sa laptop ko matapos ay humarap sa akin.
BINABASA MO ANG
Time After It's Gone
Teen FictionThe past love, is the present love. In the year 2021, the love tale of two people from eighteenth and nineteenth centuries will be brought at the fourth time. After more than hundred years, two people will be born sa ikaapat na pagkakataon, panibago...