[ CHAPTER 26 ]
"Akala naman niya bagay sa kaniya 'yong kaartehan niya magsalita, ang oa niya tingnan realtalk lang" iritang wika ni Bethany habang naglalakad kaming dalawa pauwi.
"Paenglish- english pa tapos panay share ng buhay niya kahit wala namang nagtatanong. Tinalo pa announcer d'yan sa train station e" dagdag pa nitong himutok.
"Calista! Sumama ka, hindi puwedeng hindi ka sumama. Irampa mo ang ganda mo, bakla!" hikayat pa nito sa akin pero nanatili lang akong hindi kumikibo.
"Huwag mo sabihing magpapatalo ka doon" aniya pa dahilan para tuonan ko siya ng tingin.
"Ikaw na lang, enjoy mo na lang" tipid kong sagot.
"Gaga! Dapat sumama ka, isa pa hanggang ngayon ba umaasa ka pa rin sa wala? Move on na kasi ghurl, andyan na si James oh. Hanggang ngayon ba wala pa ring kayong dalawa? Wala ka pa rin bang nararamdaman para sa kaniya?" sunod-sunod niyang tanong.
Napaisip akong saglit, Wala nga ba? Kung wala bakit ako nalulungkot at nakakaramdam ng ganito?
Pinilit ko pa ring ngumiti sa harap ng kaibigan ko at nagsalita,"Wala talaga e!" saka umiling ng ulo.
Humigop ito ng hangin at ng makaipon ay saka nagbuga ng kay habang buntong-hininga,"Sa bagay, hindi naman natuturuan ang puso" aniya,"Baka nagugulohan ka pa sa ngayon kasi umaasa ka pa rin d'yan sa pinaniniwalaan mo na maski ikaw ay hindi maexplain pero sorry nga pala" saad niya at bahagya akong sinulyapan ng tingin.
Sobra talaga akong nagugulohan. Hindi ko alam bakit biglang nagbago ang direksyon ng puso ko at kumampi sa isip ko.
Gusto kong matuldokan ang kuwento kong nasimulan. Gusto kong tuldokan ang istoryang binuo namin pero masaya ako kapag kasama ko si James, nalulungkot ako kapag iba ang nakakapagpasaya sa kaniya.
"Sa alin?" tanging tanong ko sa kaniya nang mag-sorry siya.
Huminto ito at humarap sa akin,"Kanina, I forgot na hindi ko dapat pala iyon inungkat dahil sikreto mo iyon" saad niya pa.
Muli kaming naglakad.
"Pero naisip ko lang, paano Calista kung hindi naman talaga totoo ang reincarnation? Paano kung niloloko lang kayo ng mga sarili ninyo? Inaakala ninyomg totoo kasi 'yon ang pinaniniwalaan ninyo? Paano kung ang pinaniniwalaan at pinang hahawakan ninyo ay pawang kuwento lang ng mga Lolo at Lola ninyo? Hindi sa tinuturuan kitang kalimutan ang nakaraan mo pero nagdududa na ako" mahaba niya pang komento na lalong nagpagulo ng isip ko.
Paano nga ba kung sakaling kuwento nga lang?
"Malay ninyo nagkataon lang na kamukha ninyo ang mga yumaon ninyong mga Lolo at Lola, tapos nagkataon lang na pare-pareho kayo nang naging takbo ng kuwento ninyo. Ganoon!" patuloy niya pang sabi.
BINABASA MO ANG
Time After It's Gone
Teen FictionThe past love, is the present love. In the year 2021, the love tale of two people from eighteenth and nineteenth centuries will be brought at the fourth time. After more than hundred years, two people will be born sa ikaapat na pagkakataon, panibago...