Chapter 28

17 6 0
                                    


[ CHAPTER 28 ]


August 16, 1930


Hindi ko inaasahan na ang araw na ito ang petsya ng isa sa mga malagim kong kabanata ng nabuo kong istorya.


Ako si Estella Figuracion, ang anak ni Victorina de Guzman Figuracion na kapatid ni Esmeralda de Guzman. Ako ang dalagang nabuhay sa panahon ng mga Amerikano at nakasaksi kung paano sinakop ng mga dayuhang Amerikano ang bansang Pilipinas.


At ito ang aking kuwento.


Nagsimula ang Digmaang Espanyol- Amerikano sa loob ng bansang Pilipinas noong 1898. Nagsimulang sumailalim ang Pilipinas sa United States of America noong taon ding 1898.


Mausing pinag-aralan ng mga Amerikano ang bansang Pilipinas at sinakop ito sa pamamagitan nang pagiging mapanlinlang at naging dahilan upang simulan ko itong isulat sa mismong taon, araw at buwan kung saan naging malagim ang aking buhay.


Nagsimula ang lahat ng makilala ko si Giovanni Milagros, ang nag-iisang anak ni Christopher Milagros, na siyang brother-in-law ng aking ama.


Taong 1919, sa buwan ng Enero at petsya dyes nagsimula ang lahat sa katauhan ni Estella.


Nakapangasawa ang tita ko ng isang sundalo ngunit mabilis na nabyuda matapos mamatay dahil sa isang labanan. Ito ang Panahon ng mga amerikano.


Makalipas ang ilang buwan, tamang unang buwan ng pagpasok ng taong 1922 ng magsama si tita ng isang lalaking doktor na may isang anak na nagngangalang Giovanni.


Nagpasya ang aking tita na dito na sa bahay namin patitirahin ang mag-ama hanggang sa malaman kung magpapakasal na pala sila. Doon ko lang nalamang magiging uncle ko na ang dati ay tinatawag ko lamang na kuya na si Christopher.


Ginawa ko ang lahat para magpakaate sa nag-iisang anak ng uncle kong si Christopher.


Napakabata pa ni Giovanni ng mga panahong iyon, tila nasa labing apat na taong gulang siya ng mga taong iyon. Masaya kaming magkasama, naglalaro at kung ano-ano pa ang ginagawang libangan. Madalas na namimitas ng mga bayabas sa maliit na taniman ng aking mga magulang kasama ang bunso kong kapatid na si Rosetta at kung minsan namin ay nagpupunta kami sa ilog na malapit sa aming tirahan para magtampisaw sa malinaw na tubig hanggang sa hindi ko inaasahang mamahalin niya pa ako ng higit sa iniisip ko. Minahal ko siya bilang kapatid at hindi ko magagawang suklian ang pagmamahal niya.


Taong 1925 nang magbinata na siya. Ramdam ko nang may kakaiba siyang nararamdaman para sa akin at ayokong malaman iyon ng kahit na sino. Ayokong dungisan ang pamilya namin. Hindi ko ibig saktan siya ngunit hindi ko rin nais na masira ang magiging reputasyon ng aming lahi at ang susunod na henerasyon ng aming salinlahi.


"Estella, bakit hindi maaaring maging tayo?" lumuluha niyang sampit.


Time After It's GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon