[ CHAPTER 42 ]
"Nagsimula ang lahat sa pag-iibigan ni Doming at Esmeng. Si Doming ay isang heneral habang si Esmeng naman ay isang alilang babae. Ipinagbabawal noon pa man ang pagmamahalan ng magkakaibang antas sa lipunan ngunit tuso ang pag-ibig. May sariling desisyon ang puso. Lihim na nag-ibigan sina Doming at Esmeng kahit alam nilang hindi maaari ang bagay na iyon. Kilalang angkan ang lahi nina Doming samantalang alipin lamang si Esmeng. Taong 1883 nang magsimulang magmahalan ang dalawa at sa ikadalawampu't isa ng Mayo sa taong 1891. Ito ang araw na anibersaryo ng pag-ibig ni Doming kay Esmeng. Inialay ni Doming ang kuwintas sa babaeng kaniyang iniibig ngunit nang akma na niya itong isusuot ay tumanggi si Esmeng at hindi tinanggap ang pag-ibig ng kasintahan." huminto ito habang nasilip sa gilid ng aking mga mata ang pagsulyap sa akin ng tingin ni Brando.
"Itinago ito ni Doming at nakiusap sa kapatid na ibigay sa ikalawang henerasyon na magiging apo nito. Panahon ng mga amerikano sa Pilipinas nang ipanganak si Narding, katulad ng kaniyang Lolo Doming ay naging isa itong sundalong Pilipino na hindi rin nakaligtas sa mapaglarong tadhana. Nakilala ni Narding ang babaeng nagngangalang Eseng. Marikit, mabait at mahinhin, iyan kung mailalarawan ni Narding ang iniibig subalit ang kanilang pagmamahalan ay sinubok rin ng kapalaran. Nang taong 1930, sa araw ng ika-apat ng buwan ng Disyembre. Ibinigay ni Narding ang kuwintas na iyan sa kaniyang iniibig subalit tila hindi pa rin handa ang binibining kaniyang iniibig. Tumanggi ito sapagkat batid nilang nakatakda na siyang ipakasal sa isang kilalang lalaki." Huminto siyang nakangiting pinasadahan kami nang tingin ni Brando na walang kurap na nakatingin sa kaniya.
"Sa ikatlong pagkakataon, isinilang si Juaning na nagmula mismo sa lahi nina Doming. Ang binatang makisig na nangarap maging doktor ng kanilang lahi. At tulad ng kaniyang Lolo Doming at Lolo Narding, hindi rin siya nakaligtas sa mapaglarong tadhana at kapalaran. Nakilala niya si Soling, umibig siya rito at tulad niya ay sinuklian ni Soling ang wagas niyang pag-ibig ngunit sadyang may sariling plano ang tadhana. Hindi sila pinalad dahil sapilitang ipinakasal si Soling sa ibang lalaki. Sa ikadalawampu't isa ng Nobyembre sa taong 1981, ito ang huling pagkikita ng dalawa. Hindi natuloy ang balak na ipagkaloob ni Juaning ang kuwintas na iyan sa kaniyang iniibig ng luhaan itong tumalikod at humakbang palayo sa kaniya." Saad niya at ramdam ko ang kirot sa dibdib ko na ayaw tumigil sa pagtibok nang mabilis.
Nakita ko naman ang magkakasunod na paglunok ng laway ni Brando habang nakatingin sa kung saan at tila malayo ang iniisip.
"Pinagtagpo sa pangatlong pagkakataon at muling ipinanganak sa ikaapat na pagkakataon sa modernong henerasyon" huling katagang sinabi ni Mang Jose at napabalikwas ako nang kasabay noon ay ang malakas na tunog ng kampa ng simbahang San Agustin Church.
Napabato ako ng tingin sa orasang nasa gilid namin.
"Alas otso na! Araw ng mga puso, ito ang oras para sa mga pusong pinagtagpo at tinadhana. Mamayang alas nuebe ay muling kakalampagin ng sakristan ang kampana para sa oras nang pagdarasal at pagdedebosyon" dugtong pa ni Mang Jose at kasabay noon ay ang dahan-dahang pagsagi ng mga alaala ng nakaraan at kasalukuyan sa aking isipan.
Mula sa unang pagkikita nina Alfredo at Esmeralda hanggang sa huling araw nang kanilang pag-uusap na sinundan ng muling pagkikita nina Necomedes at Estella hanggang sa huling pagsasama ng dalawa at nasundan ng pangatlong pagkakataon sa katauhan nina Juancho at Fedisol hanggang sa huling minuto ng kanilang pagkikita. Kasunod noon ay ang tila pagbabalik ko sa nakaraan mula sa sandaling pagsasama namin ni Bethany, pag-uusap namin ni James, masasayang biruan namin ni Israel hanggang sa pagkikita namin ni Brando.
BINABASA MO ANG
Time After It's Gone
Teen FictionThe past love, is the present love. In the year 2021, the love tale of two people from eighteenth and nineteenth centuries will be brought at the fourth time. After more than hundred years, two people will be born sa ikaapat na pagkakataon, panibago...