[ CHAPTER 31 ]
"Hindi ko lubos maisip
kung bakit pilit tumitibok ang puso ko para sa iisang tao lang.
Kainis na puso, kapag hindi naman tumibok mamamatay ako"
- Fedisol Dibarosan
( 1981 )
NAGMAMADALI akong pumasok sa kuwarto ni Daddy nang hindi na nakakapagpaalam sa kaniya dahil nasa Cebu ito ngayon. Inaasikaso ang binibenta naming negosyo, may tumawag kasi sa kaniya na isa sa mga secretary niya na ang sabi ay may nahanap nang buyer kaya nagpunta agad siya doon para asikasohin ito. Dahil wala siya at alam ko namang hindi iyon magpapaisturbo kaya pumasok na lang ako sa kuwarto niya para hanapin ang camera ko.
Wala kaming pasok ngayon kaya nasa bahay lang ako buong maghapon. Hindi ko nga naiisipang maghanda para sa trip namin nina Bethany sa mga susunod na araw kung hindi ito tumawag sa akin at pinaalalang may pupuntahan kami bukas. Nawala rin kasi sa isip ko at saka ko lang naalala nang ipaalala niya sa akin sa call.
Hindi ko na malaman kung ilang beses akong napakamot sa ulo ko at naglabas pasok sa kuwarto ko kakahanap nang nawawala kong Camera. Wala rin kasi sina manang Losing at Leemark kaya wala akong mapagtanongan. Hindi ko rin sila maiisturbo sa ngayon at mapagtatanungan kung may naligpit ba silang camera o wala dahil sa nagmamadali rin silang umalis kanina. May pupuntahan daw sila na importanting bagay. Hindi ko alam kung saan, basta pag-uwi ko kahapon galing school ay may tumawag na lang kay Leemark sa cellphone at nang iabot niya kay manang Losing ang cellphone niya ay bigla na lang humagulgol nang iyak ito na yumakap kay Leemark na noon ay naiiyak na rin.
Gusto kong magtanong kaso mukhang komplikado lalo na ng mapansin kong tila tungkol ito sa kuya ni Leemark na si Klein.
Naiinis ko ulit na hinalungkat ang kabinet ko, iniisip kong baka nagkamali lang nang lagay si manang Losing pero wala talaga. Binali-baliktad ko na ang mga gamit ko pero wala talaga.
Nawawala talaga sa lagayan ko ang camera ko at kailangan ko ito para bukas.
Gagamitin ko kasi ang camera para sa bonding naming apat nina Bethany. Pumayag akong sumama sa kanila kasama sina Danver at James. Doon ko lang nalaman na ito pala 'yong pinagpaplanohan nilang dalawa noong minsang nagpunta kaming apat sa rooftop ng campus namin. Pinaghandaan nina Danver at James ang araw na ito na kasama kaming dalawa ni Bethany. Birthday daw kasi ni Danver ngayong parating na February 8 at gusto niya mamasyal kami na magkakasama at para may remembrance ay naisip kong dalhin ang camera ko kaso hindi ko naman makita ngayon.
May camera naman sina Danver at James pero mas comfortable ako kung sariling gamit ko ang hawak at gagamitin ko.
Pumasok ulit ako sa kuwarto ni Daddy, simula nang tumungtong ako sa eight years old hindi na ako nakapasok sa kuwarto niya.
Malinis ito at walang kalat. Nakatupi rin ang mga gamit sa aparador at maayos ang pagkakasalansan ng mga damit.
BINABASA MO ANG
Time After It's Gone
Teen FictionThe past love, is the present love. In the year 2021, the love tale of two people from eighteenth and nineteenth centuries will be brought at the fourth time. After more than hundred years, two people will be born sa ikaapat na pagkakataon, panibago...