Chapter 2

89 10 4
                                    


[ CHAPTER 2 ]


Sa mga narinig ko mula sa doktorang nasa harap ko ay tila natauhan ako. Tila pinagsisisihan kong nagpunta ako rito sa halip na dumiretso ng school namin.


"Pero paano po kung ang mga taong nakikita niya sa mga alaala maging sa panaginip niya ay hindi po niya kamukha o di ba kaya ay malabo at walang mukha?" panibago kong tanong na muling nagpakunot ng kaniyang noo.


"Maaaring masasabi ko itong hallucination na lamang ng isang tao?"


"Hallucination?" tanong ko at dahil pakiramdam ko ay parang inulit lang niya ang sinabi ko kanina sa kaniya.


"Yes! maaaring dulot ito ng matinding trauma, o pangyayaring hindi niya malimutan o di ba kaya ay depresyon. At ngayon pa lang ay sinasabi ko nang maaaring mauwi ito sa isang sakit." Seryoso na niyang wika.


"Sakit?!" Nanlalaki-mata kong tanong sa kaniya na halos ikalaglag ng panga ko, "Anong klase naman pong sakit?"


"May tinatawag tayong Schizophrenia." saad niya.


"Schizophrenia?!" nanlalaki-mata ko na namang ulit sa salitang sinabi niya na tinanguan naman niya ng ulo. Muntik pa akong masamid sa sarili kong laway.


Schizophrenia? Eh sakit iyon sa pang-iisip ah? Tanging naibulong ko sa aking sarili.


"Ano pong ibig mong sabihin, Dok?" kinakabahan at hindi makapaniwala kong tanong sa kaniya patungkol sa sinabi niyang sakit na Schizophrenia.


"Ang Schizophrenia ay isang uri ng sakit sa pag-iisip na inilalarawan ng siyensya o mga batikang doctor na paghina ng mga prosesong pang-isipan at ng kakulangan ng mga tugon na nauukol sa emosyon. Ang mga karaniwang sintomas nito ay kinabibilangan ng mga halusinasyon na naririnig at nakikita, mga delusyon na sila ay inuusig o napakadakila, at mga hindi maayos na pagsasalita o kilos ng hindi normal na tao. Ang pagsisimula ng mga sintomas nito ay nangyayaring tipikal sa pagtuntong sa maagang karampatang gulang." Paliwanag niya sa akin na nagtulak sa lalamunan ko para mapalunok ng laway.


Nagsimula akong mahilo kasabay ng pagwiwilga ng mga organs ko sa utak at puso ko na tila tutol silang pareho sa sinasabing paliwanag ng doktor na nasa harap ko ngayon.


"Sa atin pa nababaliw po?" nag-aalala kong tanong para sa kondisyon ko.


"Parang ganoon na nga" anang ng Doktora, "Ang sakit sa pag-iisip ay hindi resulta ng labis na pagiisip sa personalidad kundi maaaring resulta ito nang pagka-depression, anxiety, trauma o sobrang pag-iisip sa bukas. Kaya kung nakikita mo sa kaibigan mo ang mga sintomas nito ay hindi ka dapat mabahala sa halip ay tulungan mo siya."


Sunod- sunod akong napapikit ng mata ko bago muling ibunuka ang aking mga labi, "Sa ano naman pong paraan?"


"May mga paraan naman tayo para magamot ang sakit sa pag iisip tulad ng panatilihin ang balanse at regular na rutin sa araw-araw. Manatiling aktibo. Huwag magpuyat. Maglaan ng panahon araw-araw para magrelaks. Kumain ng masustansiya at balanseng pagkain. Limitahan ang pag-inom ng alak kung sakali mang umiinom siya ng alak at mga gamot na hindi inireseta sa kaniya. Huwag ibukod ang sarili sa halip ay makisama sa mga taong pinagkakatiwalaan niya at nagmamalasakit sa kaniya. Magpokus sa kaniyang espirituwal na mga pangangailangan. At higit sa lahat mas mainam kung sasamahan mo siya rito para macheck up namin siya ng sa ganoon ay mabigyan namin siya ng karapat- dapat at kaukulang gamot para sa kondisyon niya" wika ni Doktora Noemi na tinanguan ko na lang ng ulo.

Time After It's GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon