[ CHAPTER 33 ]
MATAPOS ang ilang araw na maraming nangyari sa buhay ko ay napagpasyahan ko nang harapin ang aking bagong kabanata.
Balik-aral na ulit.
Pero sa school ay hindi ko nagawang kiboin sina Bethany tulad ng hindi ko pagkibo kanila Daddy at Manang Losing.
Daming nangyari at marami rin ang nagbago.
Napabuntong-hininga na lang ako nang makita ko ang mga ibong magkakasamamg lumilipad.
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga ito. Buti pa sila, magkakasamang lumilipad pa rin hanggang ngayon.
Napabato ako nang tingin sa cellphone ko nang biglang tumunog ito at ng aking tingnan ay napailing na lang ako ng ulo. Nagtext lang pala ang network na expired na ang load ko. Akala ko kung ano nang mayro'n.
Nakajacket ako ngayon at nakacomplete uniform ng pang-nurse.
Lumalim ang pagkakasalungat ng aking mga kilay nang feeling ko ay may sumusunod sa akin. Bahagya pa akong bumato nang tingin sa bahaging likuran para alamin kung may tao ba o guni-guni ko lamang itong aking nararamdaman. Kinakabahan na ako.
Iba na ang kaba ko. Hindi pang-ordinaryong kaba. Kinukutoban na akong tila may hindi magandang mangyayari sa mga sandaling ito.
Binilisan ko ang lakad ko, at feeling ko habang binibilisan ko ang hakbang ng mga paa ko ay bumibilis din ang lakad ng taong nakasunod sa akin.
At sumabay pa ang oras. Parang ang bilis din yata nang takbo ng oras. Kanina medyo maliwanag pa tapos di katagalan naging takipsilim tapos ngayon medyo madilim na agad.
Takbo-lakad ang ginawa ko. Lumiko ako ng daan papuntang short cuttan at pakiramdam ko ay lumiko rin ito. Kung nasaan ako ay nandoon din ito na tila ako talaga ang sinusundan.
Kapag binabatohan ko naman nang tingin ay wala akong makitang kakaiba at kahina-hinala. Parang pinagloloko lamang ako ng aking imahinasyon.
Pero hindi nagtagal, nang pakiramdam ko ay ilang pulgada na lamang ang layo ko rito ay kumaripas na ako nang takbo na sobrang bilis na sanhi nang paghingal ko habang hindi lumilingon sa likuran ko hanggang sa napunta ako sa palikong daanan. Nagkataon pa na walang katao-tao rito.
Madilim na at nakasindi na rin ang mga street light sa bawat kalye. Hindi ko na marinig ang ingay ng paligid ko sa sobrang lakas ng kaba nitong dibdib ko.
Paliko na sana ako papuntang TonTon Street nang may marinig akong tila nagtatalo sa kabilang eskeneta. Sa pinakasulok na bahagi ng lugar kung saan ay kasya lang dumaan ang mga motor at tricycle dahil sa sobrang sikip ng area. Nagpalinga-linga ako. Walang gaanong sasakyan ngayon dahil siguro sa Valentines day at nasa kabilang road way pinapadaan ang mga sasakyan tuwing araw ng mga puso.
BINABASA MO ANG
Time After It's Gone
Teen FictionThe past love, is the present love. In the year 2021, the love tale of two people from eighteenth and nineteenth centuries will be brought at the fourth time. After more than hundred years, two people will be born sa ikaapat na pagkakataon, panibago...