Chapter 3

89 9 7
                                    


[ CHAPTER 3 ]


HINIHINGAL akong napatukod ng kamay sa tuhod ko at halos lumawit ang dila sa bibig matapos naming tumakbo ng kay layo-layo galing sa San Agustin High School.


"Bakit ba kailangan pa nating umuwi ng bahay n'yo, Bethany?" Tanong ko sa kaibigan kong may katabaan pero may taglay na angking ganda dulot na rin siguro ng itim at straight na mahaba nitong buhok na bumagay sa katawan niya at bilugang hugis ng mukha.


"Basta! Wait ka lang!" nae-excite niyang saad at mabilis na binuksan ang pinto ng sarado nilang bahay.


Nandito kami ngayon sa tapat ng bahay nila sa Osmisos Street, medyo malayo sa school namin at mga apat na liko ng kalye bago ang sakayan ng train at ang Ton- Ton Street kung saan nakatukod ang paaralan ng high school na siyang pinapasukan namin, ang San Agustin High School.


Ang San Agustin High School ang eskwelahan na para lang sa lahat ng nag-aaral sa high school. Isa itong paaralan na semi-private. Malaki, may limang palapag at malaking gym sa loob. May library, computer laboratory at historical museum na para lang sa mga istudyanteng nasa loob ng school nag-aaral. Ang tapat nito ay mismong Jollibee at Hotel de Amore habang ang likod naman ng Jollibee ay ang malaking Henry Mall o tinatawag na HM na isa sa mga sikat na mall dito sa syudad. Napagawa ang San Agustin High School noong 2002 lang na nakabase sa simbahang San Agustin na matatagpuan sa loob ng Intramuros, Maynila. Ang pinakamatandang simbahang bato sa Pilipinas na isa sa tatlong simbahan sa Pilipinas na itinayo noong panahon ng mga Kastila at idineklara bilang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO. Idineklara ito ng pamahalaan ng Pilipinas bilang Pambansang Makasaysayang Pook noong 1976. Inspired ang eskwelahang ito rito mismo.


"Saglit lang baks, ayaw mabuksan!" irita na nitong sabi habang kinukulikot ang padlak ng sarado nilang pinto.


Bumuntong-hininga lamang ako at nagkibit-balikat.


"Ok! Nabuksan na! Kaloka!" sarkastika niyang sabi sabay hawi ng buhok.


Mabilis kaming pumasok sa loob ng bahay nila ng mabuksan niya ito, saglit akong naglibot nang tingin na tila may hinahanap bago nilapag ang shoulder bag ko sa maliit na lamesang nasa gitna ng mga upoan. Marahan kong hinapsay ang noon ay nakalugay kong buhok paipit sa magkabilaan kong tainga at saka naupo.


Hindi ko mapiggilang hindi magtaka habang nakatingin ang kaibigan ko. Nandito na kami ngayon sa sala at pinagmamasdan ko siya na kanina pa palipat-lipat ng puwesto at panay ang halungkat sa mga gamit nilang nakasalansan sa kabinet na parang may hinahanap na importanteng bagay.


Gaano ba ito kahalaga at kailangan pa naming tumakas ng school para lang makauwi ng bahay nila?


"Ano ba kasi hinahanap mo?" minsan ko pang tanong sa kaniya pero wala akong natanggap na sagot mula sa kaniya.


Muli itong tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig at lumipat sa isa pa nilang kabinet na nasa left side, bandang gilid ng bintana na katabi nang malaki nilang television.


"Tulongan na kaya kita, ilang minuto na lang male-late na tayo sa school" agaw ko pa sa pansin niya at saka tumayo para sana tumulong sa kaniya sa paghahanap ng bagay na hindi ko rin alam kung ano kaso agaran din niya akong pinigilan.

Time After It's GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon