[ CHAPTER 23 ]
Hindi ko alam pero nakita ko na lang ang sarili kong napatango ng ulo at kasabay noon ay ang pagyakap niya sa akin ng mahigpit.
"Thank you so much!" bulong niya sa akin at tumagal iyon ng mga ilang segundo, hindi ko alam kung anong nangyari basta naramdaman ko na lang na tila umiyak siya at nagpahid ng mata bago kumalas sa akin at nakangiti na namang humarap,"Baka ngayon puwedeng huwag mo na ako iwasan at layuan. Baka puwedeng friends na rin tayo tulad ni Bethany?" nakangiti niyang sabi.
Wala na! Feeling ko talaga babagsak na ang mga luha ko. Feeling ko ang sama ko. Hindi ko naisip ang mararamdaman ng ibang tao sa tuwing iniiwasan at nilalayuan ko. Hindi ko man lang napansin ang effort niya para lang mapalapit kami sa isa't-isa.
Bago pa man ako maluha ay napayuko na ako at inalis sa mata ang tila luhang papatak bago humangad at kunware ay natawa para maiba ang topic.
"Oo naman, bakit hindi? Friend naman talaga tayo dati pa" nakangiti kong sabi na lalong ikinalaki ng ngiti niya sa labi na lubusang nagpacute sa kaniya.
"Salamat!" saad niya at ngayon, kita ko na ang abot tainga niyang ngiti.
"Sorry!" tanging naiusal ko pero nanatiling pa rin siyang nakangiti na parang walang balak alisin ito sa kaniyang mukha at tila ba pinapakita sa akin ng ngiti niya na kahit gaano pa kapangit ang araw mo ay huwag mo kakalimutang ngumiti.
"Wala iyon! Naiintindihan naman kita at alam kong may valid reason ka" aniya. "Basta ah! Wala nang iwasan at layuan ah? Baka takasan mo na naman ako? Kapag may bonding kayo nina Danver at Bethany dapat kasama na ako ah" aniya pa na nagpaalala sa mga sandaling iniiwasan ko siya at tinatagoan noong nakaraang mga araw kung saan ay unang beses ko siya nakitang naglasing sa friend zone bar pa talaga.
Natigilan kaming dalawa ng magbukas ang pinto at lumabas si Ashly sabay sinyas sa amin at bulong ng "Patay kayo! Kanina pa nag-uumpisa ang klase" saad nito na nagpalaki ng mga mata namin.
Doon ko lang din napansing nasa tapat na pala kami ng Laboratory 4 kung saan kami magkaklase.
Dahan-dahan kaming naglakad palapit sa pinto at nauna siyang humawak sa doorknob at saka pinihit ito para magbukas.
Walang padaskol-daskol kaming pumasok sa loob. Nauuna siyang pumasok at sumunod naman ako.
Ramdam ko ang kaba ng dibdib ko ng magsalita si Sir Cariño na ikinatigil namin.
"Mr. Lanyon and Ms. Verano, anong oras na at bakit ngayon palang kayo?" inis nitong tanong sa amin na ikinatigil naming pareho pero nanatili lang akong nakayuko at hindi kumikibo.
"Kapag ganyan na ganyan kayo sinisiguro kong hindi kayo makakagraduate!" matapang nitong saad na kapwa batid naming winawarningan niya kami.
"Sorry sir!" sabay naming sabi ni James bago naupo sa kaniya-kaniyang upoan.
BINABASA MO ANG
Time After It's Gone
Novela JuvenilThe past love is the present love. In the year 2021, the love tale of two people from eighteenth and nineteenth centuries will be brought at the fourth time. After more than hundred years, two people will be born sa ikaapat na pagkakataon, panibagon...
