Chapter 20

57 8 0
                                    


[ CHAPTER 20 ]


Napabitaw ako sa microscope at napalihis ng tingin.


"Dagdag mo rin na kapag namatay ang isang may buhay either human or animlas ay tumitigil sa pagdaloy ang dugo" hula-hula kong wika para lang machange agad ang topic. Buti na nga lang at hindi ako nautal dahil sa hiya kasi wala naman akong naramdamang kakaiba ng maramdaman ko ang tila walang kakalyo-kalyo niyang palad liban sa hiya at sa puso kong biglang dinalaw ng kaba.


"Yon Lang? Sure na iyan?" pang-iinis pa sa akin ni Bethany,"How about the spark?" dugtong niya pa at nagawa pang makipagpalitan ng tawa kay Danver.


Ngayon ko lang nahinahunang may pagkachildish din pala si Danver dahil buong akala ko lagi lang itong seryoso o sadyang nahawa lang kay Bethany.


Tumingin ako kay James na ngayon ay mabilis na lumihis ng tingin.


"I think iyon lang" sagot ko.


Tumango naman ng ulo si James.


"Hindi pa naman natin ito ipapasa ngayon di ba? Let me finish it na lang, finalize ko na rin" ani nito at saka naglakad papunta sa upoan niya. Basta about talaga sa ganitong usapang science ang talino ng isang 'to.


Hindi na ulit ako kumibo at nag lakad na rin ako pabalik sa upoan ko.


Inarrange ko ang aking mga gamit at bahagyang cheneck kung wala ba akong nakalimutan.


"Calli!" tawag sa akin ni Bethany sabay lapit sa kinauupoan ko."Sama ka, Tara! Punta tayo sa roof top saglit" Saad niya at tumingin sa pinto.


Nakita ko si Danver na bitbit ang bag na nakatingin sa amin habang nakapamulsa namang nakasandal si James sa labi ng pintoan at nakasaklay sa kabilang balikat ang isang braso ng bag.


"S-Sige!" aniko at kinuha ang bag para sumama sa kanila.



MULA SA TAAS ng roof top ng aming university na may anim na palapag ay tanaw ko ang buong lawak ng lugar ng city.


Napakaganda!


Makailang ulit pa akong napakibit-balikat at pinagmamasdan ang naglalakihang gusali at mga sikat na resto, mall, hotel at computer shop.


Tumambay pa kami rito ng may katagalan. Hindi ko maiwasang mapalihis ng tingin sa tuwing napapansin kong nagnanakaw ng sulyap sa akin si James na noon ay nasa left side ko, mga ilang pulgada ang layo sa amin nina Bethany at Danver na ngayon naman ay nasa kabilang side ko at mga dalawang dipa naman ang layo mula sa kinatatayuan ko.


Sweet ang dalawa na magkayakap at nagbubulongan na parang pinag-uusapan na naman nila ang mga pangarap nila sa buhay, at tila pinaghahandaan ang kanilang magiging bukas kasama ang mga magiging anak sa hinaharap.

Time After It's GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon