[ CHAPTER 34 ]
"Calista!" naulinigan kong tawag sa akin ng isang babae dahilan para dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.
Nanlalaki ang mga mata ko nang bumulaga sa akin ang mga bookshelves sa paligid ko.
Iba na rin ang kinauupoan ko. Nakasuot na ako ng dati kong uniform sa old school namin. Ito ang uniform na suot ko ng una't huling beses kaming nagkita ni Brando sa train.
"Calista!" muling sampit sa aking pangalan ng isang babae sa likuran ko at lalong nanlaki ang mata ko nang pagharap ko ay agad na bumungad sa akin si Bethany, tulad ko ay nakasuot din siya ng old uniform namin noong mga panahong nasa grade 12 pa kami ng San Agustin School.
May katabaan at medyo hindi pa gaanong maarte si Bethany ng mga taong ito.
"Ayos ka lang?" takang tanong nito sa akin.
Hindi ko maihiwesyo ang aking sarili. Hindi ko maunawaan kung matutuwa ba ako o matatakot. Wala akong idea sa mga posibleng maging bunga ng gagawin ko. Wala akong alam sa magiging kasunod nito.
Pinakatitigan ko si Bethany ngayon na napakunot-noong nakatitig sa akin.
Nakasuot din siya ng uniform noong nasa high school pa kami, bulong ko sa aking sarili. Ibig sabihin lang nito ay nakabalik nga ako sa nakaraan. Nasa February 14, 2021 ako. Tandang-tanda ko, nasa oras na alas-otso ng umaga ay nasa library kami noon ni Bethany at may sinasagotang quizzes.
"Calista! Bakit parang nakakita ka ng magandang multo?" pagbibiro niya pa sa akin.
Hindi ako makakibo. Nababaliw na ba ako?
"Hoy! Baks!" tulak sa balikat ko nito na ikinangisi ko. Sabay sa sapo ko ng palad ko sa mukha.
"Ala! Naloka na, kumain ka ba nang agahan sa inyo? baka nahanginan na utak mo d'yan" rinig ko pang sabi ng kaibigan kong lubos na naninibago sa akin pero hindi ko mapigilang hindi matawa.
Hindi ako makapaniwalang totoo nga, nakabalik nga ako sa nakaraan ko. Andito na ulit ako sa 2021. Napatingin ulit ako kay Bethany na ngayon ay nagtataka pa ring nakatingin sa akin.
Napagala ako nang sulyap sa paligid ko.
May mga estudyanteng naglalakad at nagbabasa ng libro.
May iilang tahimik na nag- uusap.
Muli akong napaharap nang tingin sa harap nang muling magsalita ang aking kaibigan, "Calista, may problema ka ba? ang weird mo ngayon real talk lang" natatawang sabi nito at kinuha ang libro saka nagbuklat.
"B-Bethany" nauutal kong tawag sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Time After It's Gone
Teen FictionThe past love, is the present love. In the year 2021, the love tale of two people from eighteenth and nineteenth centuries will be brought at the fourth time. After more than hundred years, two people will be born sa ikaapat na pagkakataon, panibago...