Chapter 15

60 8 0
                                    


[ CHAPTER 15 ]


NAPAPIKIT ako ng matang napahangad ng ulo saka isinandal sa dingding ng train ang kabuoan kong katawan bago pinigilan ang sarili.


Kinakabahan ako at nagdadalawang isip.


"Maniwala at magtiwala" katagang gumihit sa alaala ko.


Maniwala at magtiwala, sampit ko sa sarili pero paano? Hindi ko nga lubos na mapagtanto kung anong mayroon sa kuwintas na ito at kung totoo ba ang lahat ng sinasabi ng estrangherong babae na nakausap ko.


Napailing ako ng ulo, hindi! Malabo! Imposible! Mga katagang sumagi sa isip ko bago napagpasyahang huwag nang ituloy ang binabalak ko at ibinalik ko sa bulsa ng suot kong jacket ang kuwintas na hawak ko ngayon.


Ang bawat bagay sa buhay ng tao ay may naaayon na pagkakataon at panahon.


Lahat ay nakaplano nang mangyari kaya malabo ko pang mabago ang lahat.


Bumato ako ng tingin sa labas at inihilig ang aking ulo sa bintanang salamin nitong train.


Dahan-dahang pinagmumulayan ang mga bagay-bagay sa aking paligid, mga salamisim ng aking nakaraan.


Ang oras ay napakabilis, hindi mahuhulaan ang mga posibleng mangyari.


Napabuga ako ng isang buntong-hininga. Hindi nagtagal, huminto ang train, nagsalita ang train announcer para sa mga taong lalabas ng train at para ipaalam kung nasaan na ang train, napatingin ako sa relong nasa taas.


9 pm, bulong ko matapos ay mapait na ngumiti sa isang batang paslit na nakatingin sa akin at kasabay ng mangilan-ngilan na mga pasaherong tumayo palabas ng train ay sumabay na ako.


Sa paglabas ko ay marahang sinalubong ako ng malamig na ihip ng hangin kasabay ng maingay na paligid. Malakas na tugtugan at sigawan. Mga taong kabila- kabilaang naglalakad paroon at parito. Mga asong gumagala at mga vendors na panay alok ng mga paninda.


Naglakad pa ako papuntang sakayan ng tricyle, saka lumiko at nagtungo sa street pa landas sa lugar namin.


Ang dami na talagang nagbago, limang taon na ang nakalipas pero sobrang laki ng pinagbago.


Mga ilang minuto pa ang tinagal nang paglalakad ko. Napagdesisyonan kong maglakad na lang papunta sa bahay naming kesa sumakay ng tricycle para makapagmuni-muni na rin. Ang daming naganap sa buong maghapon.


Nahinto ako sa paglalakad sa tapat ng malaki naming bahay.


Wala na sa gilid namin ang basurahan dahil nilipat na sa kabilang kanto- sa mismong labasan ng eskeneta nitong Puerta delos Santos Street, wala na rin sa harap namin ang malaking tindahan ni Aleng Julie kasi nabangkrap ito at nagpasyang magsarado.

Time After It's GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon