Author's Note

82 6 0
                                    


[ Author's Note ]


Hahaha heto na naman ako...


Una, gusto ko lang ulit mag-thank you sa mga parekoy ko at sa mga bagong reader na darating. Salamat talaga nang sobra- sobra sa pagsuporta ninyo, at sa pagsama sa akin hanggang dulo.


Pangalawa, 'yon pa rin ang gusto kong sabihin na hindi ko alam kung may magbabasa pa ba nito o wala na pero may magbasa man o wala, ipagpapatuloy kong ipublish ito rito hahaha bahala na si Sinagtala. I


Pangatlo, humihingi na ulit agad ako ng lo siento, sorry, paumanhin, patawad at pasensya kung sakaling punong-puno ito ng errors, at lame. Unedited version pa kase ito, inunpublish ko kase medyo hahaha daming challenges sa buhay but now pinublish ko ulit but still di ko pa naeedit. Soon, maeedit ko rin ito pero sa ngayon need ko muna tumutok sa pag-aaral ko.


Pang-apat, huwag ninyo naman kaligtaang basahin ang pinakaunang istorya haha ang point of view ni Brando na may pamagat na Scenery of Love. Hindi ito mabubuo kung wala iyon kaya sana basahin ninyo 'yon muna bago ito haha. Actually, magkasama talaga ang kuwentong iyon at itong kuwentong ito sa iisang part kaso hindi ko alam sa utak ko bakit pinaghiwalay hahaha kaya tuloy nagkaroon ng part1 and part 2, jeje ko talaga.


Panglima, ulit- ulit pero wala talaga akong idea kung masa-satisfy kayo sa naging takbo ng kuwento lalo na 'yong mga unang nakabasa hahaha swear! Maganda naman haha pinag- effort-tan ko e hahaha isagad nyo na, taposin nyo na, total andito na rin kayo kaya basahin nyo na hanggang katapusan hahaha


Pang-anim, isa na lang hihilingin ko, pakiusap lang kung sakaling may magbabasa man nito, once na mabasa ninyo at nalaman ninyo sa kalagitnaan ang mangyayari kay Brando at Calista sa train— kasi alam ko 'yong iba ang inaabangan na lang yata ay ang magiging kahihinatnan ng dalawa like kung magkasama bang mamamatay sa loob ng train si Calista at Brando or isa ba sa kanila ang mabubuhay, kaya sa oras na malaman ninyo ang nangyari sa part na 'yan, please, huwag n'yo sana hintuan haha Ituloy ninyo hanggang dulo kasi hindi lang doon magtatapos ang kanilang istorya at may mga kaganapan na mapupulotan ninyo ng aral at may mga tauhan pa na bubuo ng kuwento. Hindi lang sina Brando at Calista kundi may mga tauhan ding kinakailangang bigyan ng hustisya, charrrr! At kung mapansin ninyong nakakabagot na basahin at nadidismaya na kayo dahil sa dami ng errors, or ang boring na basahin, please, tuloy n'yo pa rin hahaha, huwag n'yong sukuan tulad ng kung paano ninyo ipinaglaban ang maling tao haha rawr!


Pangpito, tumatanggap po ako ng pagtatama at opinyon. Huwag mahihiyang mambash hahaha changeoil!


Muli't muli, ang inyong votes at comments ay siyang aking karangalan at pinasasalamatan. Ingat always!


Halina't samahan ang mga bida ng istorya ng dalawang pusong pinagtagpo ng ilang ulit ngunit pilit ding pinaglalayo. Parang kayo, pinagtagpo pero hindi tinadhana hahahaha anong konek?


Enjoy reading!!! ulit ...

Time After It's GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon