Chapter 22

62 9 0
                                    


[ CHAPTER 22 ]


KINABUKASAN, maaga akong gumising at nagpunta sa school para ipasa ang mga late paperwork ko sa mga instructor ko. Mabuti na nga lang at kunti lang ang deduction dahil may lagnat ako at valid reason iyon.


Nalaman ko rin na si James pala ang gumawa ng excuse letter para maexcuse ako sa klase noong mga araw na may lagnat ako at hindi nakakapasok.


Nawewendang akong napatakbo papasok sa comfort room ng mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko sina Danver at Bethany na abalang nag-uusap. Alam kong kasama nila si James, kaya no choice ako kundi iwasan silang tatlo para hindi kami magkita ni James. Alam ko sa sarili kong Wala akong nararamdaman para kay James pero ayokong umasa ito at masaktan ko.


Hindi rin puwedeng sa kaniya umikot ang buong araw ko.


Tila kinukuwesyon ako ng isip ko na kung mahal ko ang tao sa lumang panahon ko pa nakilala bakit ako malilito?


Habang sinesermonan naman ako ng puso ko na bakit ko kailangan bigyan ng mga malisya ang mga bagay na wala naman dapat ikabahala?


Napapikit ako ng matang napasandal sa pinto habang nakahangad ang ulo.


Nakahinga ako nang maluwag ng lumagpas na sila at napasapo ako ng kamay sa mukha bago idinilat ang mata.


Nanlalaki mata akong nanigas ng pagdilat ko ay agad na bumulaga sa akin ang maamong mukha ni James. Nakatitig siya sa akin habang nagtataka ang mga matang nakatuon sa akin. Kitang-kita ko ang pag-galaw ng adam's apple niya sa leeg.


Wait! Napapikit ako ng mata at napabuntong-hininga. Alam kong imahenasyon lang ito. Nasa comfort room ako ng mga babae kaya paano nakapasok si James dito?


Mariin kong pinikit ang mata ko hanggang sa natigilan ako ng pagdilat ko ay nakita kong totoo ngang nasa harap ko siya.


Napunta pa ang tingin ko sa mga lalaking nasa likod nito at nakangiting nakatingin sa akin. Tila kanina pa nila ako pinapasadahan ng tingin.


Iginala ko sa buong comfort room ang aking tingin at doon ko lang napagtanto na iba ang itsura nito sa itsura ng comfort room naming mga babae. May mga lalaking walang damit, may ihianan din na para sa mga nakatayong lalaki. Sunod-sunod na paglunok ng laway ang aking naging reaksyon kasabay ng panlalamig ng aking mga kamay.


"Oi! Miss. Calista! okay ka Lang?" rinig long tanong sa akin ng isang lalaki nang mapansin yatang namumutla na ako.


"Wrong enter ka yata" Saad pa ng isang lalaki at humalakhak ng tawa.


Parang gusto ko tuloy magpakain sa lupa.


Hindi ako makagalaw, tatangkain ko pa sanang magsalita para magpalusot sa kanila pero hindi ko na nagawa nang maunahan ako ni James.


"Sabi ko sa'yo wait ka lang sa labas magbibihis lang ako for a little while. Anyway, what is that? Iyan na ba 'yong sa analysis natin sa laboratory?" ani nito at binigyan ako ng isang tinging nagsasabing makisabay na lang ako sa kaniya.

Time After It's GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon