[ CHAPTER 27 ]
MATAPOS ang dalawang araw na subsubang pagtapos sa mga school works ko ay balik na sa normal na ulit bilang buhay estudyante.
Mabuti na nga lang nandyan si Leemark na kahit grade twelve pa pero matalino kaya nahingian ko ng tulong.
Bukod kasi sa favorite subject nito ay math na akala mo kumain ng numbers o isang librong mathematics ay maalam din pagdating sa science kaya siya ang nakasama ko sa pageekspiremento at laboratory activity sa bahay. Nagkataon din kasing wala silang pasok kaya isinama ko na rin sa mall sa pamimili ng mga gagamitin ko sa Laboratory.
Aniya pa, imbes gusto niya raw maging pulis at kumuha ng kursong Criminology ngayon gusto niya na rin daw maging nars.
Natatawa na lang akong napapailing ng ulo ko habang naglalakad ngayon sa hallway ng aming campus.
Naalala ko pa ang ilan sa mga naging usapan namin habang nageekspiremento kami na talagang nagpasakit ng tiyan ko kakatawa at ikinastress ng utak ko.
"Kung mag- iimbento ka ng isang gamot, ano ang invention mo?" seryoso kong tanong sa kaniya habang pinagmamasdan ko ang pinagsamang chlorine at maruming tubig para alamin kung anong magiging result at gawan ng reaction paper.
"Pain reliever," saad nito na ikinatigil ko naman at ikinabato ko nang tingin sa kaniya na ngayon ay nag-eencode sa laptop ng mga tapos na naming mabigyan ng hypothesis at statement.
Hindi pa man ako nagtatanong ng bakit ay agad na siyang nagbigay ng explanation base sa binigay niyang sagot.
"Kasi ayoko nang maranasan pa ng iba ang sakit na naranasan ko noon."
Dahilan para matawa ako. Hugotero ang isang 'to.
Umiiling ako ng ulo at lalong natawa ng maalala ko pa ang mga sumunod pang nangyari.
"What is Quantum Entanglement?" minsan ko pang tanong sa kaniya.
"Quantum Entanglement?" ulit niya sa sinabi ko.
Tumango naman ako ng ulo bilang tugon.
"Quantum Entanglement," saglit siyang huminto at tumango-tango ng ulo na tila nag-isip ng idudugtong na explanation dito, "Kung saan konektado pa rin ang dalawang particles kahit malayo sila sa isa't isa kaya na iimpluwensyahan pa rin ng isang particle ang galaw ng isang particle, dahil nga sa kahit gaano sila kalayo konektado pa rin silang dalawa" Huminto siya at tumingin sa akin.
"Parang 'yong LONG DISTANCE RELATIONSHIP wherein kahit malayo kayo sa isa't isa konektado pa rin kayo."
Natawa ako nang maalala ko iyon. Ang daming alam bukod sa pag- calculate ng mga numbers ay may iba pa pala siyang tinatagong talento, ang humugot na ang science ang tema.
BINABASA MO ANG
Time After It's Gone
Teen FictionThe past love, is the present love. In the year 2021, the love tale of two people from eighteenth and nineteenth centuries will be brought at the fourth time. After more than hundred years, two people will be born sa ikaapat na pagkakataon, panibago...