Chapter 4

74 9 12
                                    


[ CHAPTER 4 ]


NAKABALIK ako sa huwesyon nang bigla itong sumigaw na nakapagpabalikwas sa akin sa kinauupoan ko.


"Napano ka?" nagtataka kong tanong habang nakangisi naman siya at nakatingin sa akin na parang may kalukohan na namang ginawa.


"Nakita ko na bakla!" abot tainga nitong ngisi habang hawak ang isang envelope, nginitian pa ako nito na parang nakaloloka saka humalakhak.


"Anong mayroon d'yan?" natatawa ko na lang ding wika at muling napakamot sa ulo.


Mabilis niyang niligpit ang mga kinalat niyang gamit pabalik sa dating pagkakasalansan ng mga ito, baka raw kasi masermonan siya ng mama niya pagdating at makitang makalat ang bahay. Nang maayos na ang kalat ay naupo siya sa tabi ko at may kinuha sa loob ng envelope.


Napakunot-noo ako nang makita ko ang isang white hard bondpaper na hawak niya matapos ay nakangusong tinitigan ang harap nito na hindi ko nakikita.


"Anong mayroon? Patingin daw ako, bethany" ani ko sa kaniya kasi nakukuryos na rin ako sa ginagawa niya.


Bahagya niyang hinapsay ang buhok niya at tumingin sa akin na hindi pinapakita ang harap ng bond paper.


"CallI, no'ng isang araw kasi sinama ako ni nanay sa Baclaran tapos may nakita akong clinic, ohw! wait! teka! di yata siya clinic" tila nag-iisip nitong putol sa sinabi niya, "Feeling ko clinic na hindi, ah! basta! maliit na parang bentahan ng mga artwork na drawing, mga painting kumbaga kasi may mga nakadisplay na drawing then ayon, tinanong ko 'yong lalaki na nagngangalang Ivan kung puwede magpadrawing at magkano. Napag-alamanan kong nagpo-portrait siya at mura lang ang hingi niya sa service niya kaya heto, pinadrawing ko" dugtong niya at nakuha pa akong ngitian na parang natatae sabay abot sa akin ng hawak niyang bond paper.


Hindi ko alam, sa sandaling batuhan ko nang tingin ang isang portrait sa bond paper ay bigla akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag, biglang bumilis ang tibok ng aking puso na masasabi kong hindi pang-ordinaryong beat ng puso. Ito 'yong pakiramdam at kakaibang kaba na madalas kong maranasan sa tuwing sasapit ang kaarawan ko at ang kabuwanan ng Pebrero lalo na ang petsya 14 ng buwan.


Napalunok ako ng laway dahil nang makita ng mga mata ko ang isang lalaking nakaguhit dito ay tila isang alaala ang dahan-dahang gumuhit sa aking isipan.


Napatitig ako rito ng matagal bago napunta ang tingin ko sa aking kaibigan.


"Naalala ko kasi ang description mo sa akin, 'yong lalaking kinukuwento mo sa akin dati pa na sabi mo lagi mong nakikita so, I decided na ipadrawing. Siya ba iyon? Ang pogi niya sa drawing or else masyadong pogi lang talaga tayo magdescribe ng mga bagay-bagay" wika ni Bethany at napahagalpak pa ng tawa.


Napangiti na lang din akong umiiling ng aking ulo dahil sa mga pinagsasabi niya habang pinagmamasdan ko ang nakaguhit ditong mukha ng isang lalaki.


Kuhang-kuha ang itsura; mula sa matangos na ilong, buhaghag na buhok, medyo singkit na mata at manipis na labi. Lapis ang ginamit na pinang-guhit pero malinaw ang bawat line up maski ang pagkakaguhit.

Time After It's GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon