[ CHAPTER 19 ]
"Kaya ikaw na nagbabasa
nito ngayon ngumiti ka lang dahil sa lahat ng nilikha,
isa ka sa pinakamahalaga"
- Estella Figuracion
( 1919 )
RAMDAM ko ang bigat ng katawan kong tinanggal ang kumot na nakataklub sa akin. Halos hindi ko mabuksan ang aking mga mata sa sobrang pagod na nararamdaman at kapag sinubukan ko namang idilat ang aking mga mata ay naduduwal ako, tila pagkawari ko ay umiikot ang aking mundo. Sumabay pa ang sakit ng iba't ibang parti ng aking katawan.
Siguradong hindi ako makakapasok nito sa klase at baka mapag-iwanan na naman ako ng lesson. Maghahabol na naman ako sa mga paperworks na hindi ko masasubmit at kapag nagkataong nag-exam at nagkaroon sila ng quizzes ay kabawasan na naman ng puntos ng aking grado. Nakakapagod na rin maging isang istudyante.
Inangat ko ang aking kamay na napahilamos ng palad sa mukha. Masyado ko na yatang inabuso ang aking katawan kaya ito na ang bunga. Nakalimutan ko na rin magset ng time para makapagtake ng rest ang subsob sa school work kong katawan.
Natawa na lang ako nang sumagi sa isip kong sa haba ng panahon ngayon na lang yata ako lalagnatin ulit.
Dahan-dahang akong bumangon, natigilan ako ng magbukas ang pinto at pumasok si Leemark na may dalang pagkain.
"Ate, huwag ka muna bumangon!" saad nito at nilapag ang pagkain sa study table ko."Hindi ka pa magaling ate" bakas sa boses niya ang pag-aalala at inalalayan ako.
"Ok lang naman ako" mahina kong wika na hindi ko nga alam kung narinig niya dahil parang ibinulong ko na lang sa hangin tulad ng kung paano ko ibinulong ang kahilingang baka sa susunod na habang buhay ay magkaroon na ng masayang wakas ang naudlot naming pagmamahalan ni Alfredo na nasa katauhan ni Brando.
"Mama!" rinig kong tawag nito nang bigla akong naduwal at nagkataon pang sa short niya ako nasuka.
"Mama! Si ate!" malakas na tawag nito sa mama niyang si manang Losing.
Mabilis naman nagbukas ang pinto at iniluwa nito si manang Losing.
"Anong nangyari?" nag-aalala rin nitong tanong at nilapitan ako.
"Sinukahan ako ni ate" wika ni Leemark at tinuro ang short niya.
Bakit ba ako nahihilo at nasuka e di naman ako uminom ng alcholic drink at lalo-lalong hindi ako buntis?
"Ayos lang po talaga ako" pagpapakalma ko pa sa kanilang dalawa.
"Agiii! Calista! Magpahinga ka muna kasi nasobrahan ka na sa pagpupuyat at pag-aaral kaya sumurrender na ang katawan mo" saway pa ni manang Losing at muli akong pinabalik sa pagkakahiga.
BINABASA MO ANG
Time After It's Gone
Teen FictionThe past love, is the present love. In the year 2021, the love tale of two people from eighteenth and nineteenth centuries will be brought at the fourth time. After more than hundred years, two people will be born sa ikaapat na pagkakataon, panibago...