[ CHAPTER 13 ]
"SAAN KA galing, Calista?" bungad na tanong sa akin ni Bethany nang pagbukas niya ng pinto ng kanilang bahay ay ako ang agad na bumungad sa kaniyang paningin.
Dumeretsyo kase ako sa kanila matapos kung makausap si Thalia sa Tanao Paradise na madalas kong puntahan.
"Alam mo ba na kanina ka pa hinahanap ng daddy mo? Inutusan na nga nito si manang Losing para tawagan ako. Nag-aalala na sila sa'yo. Anong oras na ngayon? Alas otso na at kanina pa labasan sa school natin... sabi mo uuwi ka na ng maghiwalay tayo?" sermon niya sa akin pero nagmistulan lang akong bingi na naglakad papuntang kusina nila, inilapag ang bag ko sa lamesa at kumuha ng tubig na maiinum habang nakasunod naman s'ya sa akin at naupo sa isang upoan habang pinapanood akong umiinom.
"Nasaan sila Tito at Tita?" tanong ko sa kaniya.
"As usual, wala dito at busy sa business nila" taas-balikat niyang tugon bago nagpakawala ng isang buntong-hininga.
Pinagmasdan ko pa ang maganda kong kaibigan, ang laki talaga ng pinagbago niya. Umangat ang ganda at sumexy hindi tulad noon. Iba talaga ang alagang Danver.
"Anong tinatawa-tawa mo?" taas kilay nitong tanong sa akin.
Nilapag ko ang baso sa lamesa at iiling-iling ng ulong lumihis ng tingin.
"Huwag kang change topic, bakla! kanina pa tumatawag sa akin sila Lee at manang Losing, at hindi ko naman alam kung anong isasagot" aniya pa at parang may kuto sa ulong nagkamot.
"May pinuntahan lang ako" tipid kong tugon.
"Saan at bakit hindi ko alam?" Taas-kilay niya pa ring tanong, nakatayo na siya ngayon sa harap ko habang nakacrossed arms at ako naman ang nakaupo sa kaharap na upoan.
"Somewhere" saad ko at inayos ang pagkakatali ng buhok ko gamit ang panyo ko.
"Ayos ka lang ba?" pagdududa niyang tanong.
"Oo naman" ismid kong sagot.
"Don't tell me naupo ka na naman ng matagal doon sa train station at paulit- ulit na binabalikan ang nakaraan? Naloloka ka na kung ganoon, lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo" natigilan s'ya ng kunotan ko siya ng noo at matapos ay naupo sa kaharap kong upoan dito sa kusina nila.
"Calli, it's been five years ago na so please ibaon mo na siya sa limot. Kalimutan mo na 'yong tao, wala na siya. Mag-umpisa ka nang bagong kabanata. Umusad ka na" pangaral niya pa sa akin without knowing na di naman ako doon galing, matapos kasi ang trahedyang 'yon naging ugali ko rin ang tumambay sa train station bago umuwi. Napakunot-noo siya ng tingnan ko siya at ngisihan.
Balak sanang iabandona ang train station na iyon kaso pagkalipas ng tatlong taon, muling inayos at ilang buwan ang dumaan ay muling sinapubliko but this time. Siguradong ayos na ang lahat at ligtas na ang mga tao.
BINABASA MO ANG
Time After It's Gone
Teen FictionThe past love is the present love. In the year 2021, the love tale of two people from eighteenth and nineteenth centuries will be brought at the fourth time. After more than hundred years, two people will be born sa ikaapat na pagkakataon, panibagon...
