Chapter 38

15 6 0
                                    


[ CHAPTER 38 ]


"Hinahanap mo raw ako? bakit? magkakilala ba tayo?" sunod-sunod n'yang tanong sa akin na bahagyang ikinakirot ng puso ko.


Hindi niya ako nakikilala, ibig sabihin lang n'yon ay wala nga s'yang naaalala.


Wala siyang naaalala sa nakaraan namin. Sa makailang ulit naming pagtatagpo.


Marahil ay wala rin siyang alam patungkol sa aming nakaraan.


"Sabi nila ilang ulit ka na raw nagpabalik-balik sa Campus tapos nandito ka raw sa park kaya nagpunta na ako rito." Dugtong nito kasabay ng ihip ng hanging naglaro ng buhok ko.


Bahagya koi tong hinapsay paipit sa tainga ko.


"Pano mo naman na sabing ako iyon?" pagkukunware kong tanong.


"Bakit? May iba pa bang nakauniform dito ng semi korean style? at higit sa lahat maganda?" pambubola nito at pinakitaan pa ako ng isang ngiting nakakagigil na tila tinablan ang puso kong noon ay malungkot.


Bulero rin pala ang isang ito. Bumawi yata sa tanong niya kaninang magkakilala ba kami?


Hindi ako kumibo.


"Seryoso, magkakilala na ba tayo?" muli niyang tanong na siya ko naman ulit ikinaseryoso.


Matagal bago ako tumugon.


"Hindi!" umiiling kong sabi.


"Hindi? E bakit mo ako hinahanap?" nakanguso n'yang tanong.


Mabilis namang nagfunction ang aking utak at saka nag-isip nang maipapalusot, "May nagsabi kasi sa akin na matutulongan mo raw ako."


"Matutulongan sa alin?"


Natigilan kami sa paglalakad kasabay nang paggalaw ng mga sanga ng punong akasya na may mga mala-cherry blossom flower pero ang pinagkaiba lang ay dilaw ang kulay ng bulaklak ng acacia. Kasabay ng pag-ihip ng hangin ay ang paggalaw ng mga sanga ng punong akasya na nagdulot ng nakakaakit na tanawin.


Bahagya akong napangiti habang pinagmamasdan ang mga nahuhulog na bulaklak. Para kaming pinauulanan ng mga ito. Bahagya ko pang hinapsay ang buhok ko paipit sa kabila kong tainga habang hindi maitatago ang ngiti ko sa labing pinagmamasdan ang pag-ulan ng mga acacia flower.


Naglalakad kasi kami ngayon sa Golf kung saan ay may mga punong akasya na nakahelera sa bawat gilid kaya kapag may dadaan ay magmumukhang pinapaulanan ng bulaklak.


Humangad ako ng tingin at masayang isinahod ang mga palad ko para salohin ang mga nahuhulog na bulaklak, ang sarap, ang saya, at sobrang ganda sa pakiramdam.

Time After It's GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon