[ CHAPTER 12 ]
Isang kuwintas na orasan, napaka- antique nito tingnan, halatadong ilang taon na ang dinaanan at ilang henerasyon na ang pinagmulan. Tila bakas na nito ang ilang mga kasaysayan. Mamahaling relong makaluma pero makikita ang gandang taglay nito na hindi kumukupas. May dalawang maliit na bilog na makikita sa gilid ng bilog na orasan na kung hindi ako nagkakamali ay siyang iniikot para mag-set ng oras at petsya.
"Naalala ko iyan!" bulalas ko ng isang alaala ang gumuhit sa aking isipan. "Iyan 'yong kuwintas mo na nawala sa iyo at tinulongan kitang hanapin hanggang sa abutan na tayo ng ulan kakahanap" natatawa kong saad nang gumuhit sa aking isipan ang alaala kung saan ay nakita ko siyang balisa at parang may hinahanap.
"Sabi ko na nga ba't familiar ka sa akin" umiiling at natatawa ko pang sabi.
Natatawa rin itong umiling ng ulo, "Hindi ka pa matanda sa taong ito pero tila nag-uulyanin ka na" aniya pa sa pabirong sabi.
Saglit kaming natigilan.
Hinawakan niya ang kamay ko saka ipinatong ito sa palad ko.
"Tama ka, at ako?" saglit siyang tumigil at nilapit sa akin ang kamay niya na may hawak na kuwintas na relo at inilagay sa kamay ko, "Ako si Thalia" pagpapakilala niya.
Ilang segundo ko pang pinakatitigan ang kamay n'ya at napaisip kung totoo ba ang lahat ng ito o hindi?
"Thalia?" ulit kong tanong sa kaniya.
"Thalia ngayon na Sinagtala noon" paliwanag niya na nagpalaki ng mata ko.
"Ang Diwata na taga pagbantay ng bundok Apokalima?" nanlalaking matang saad ko na kinahalakhak naman niya.
"Hindi ko inaasahan na alam mo ang tungkol d'yan"
"Bata pa lamang ako ay madalas ko nang naririnig ang tungkol sa kuwento ni Sanagtala na Diwatang tagapagbantay daw ng Bundok Apokalima at hindi ko inaasahang makikilala kita ngayon pero" Tumingin siya sa akin."Ngayon lang naging malinaw sa akin ang kuwento tungkol sa'yo pero gusto ko lang sana itanong kung totoo ba na tuwing kabilugan daw ng buwan ay kumukuha ka ng mga batang lalaki o mga kalalakihan bilang kabayaran sa saganang ani ng mga pananim sa buong bayan?"
Napalunok-laway ako kasabay ng paglunok din niya ng laway bago siya tumingin sa akin na parang ikinahiya ko. Naoffense ko yata siya dahil sa mga binitawan kong salita.
"Sorry!" hingi ko ng paumanhin, "pawang narinig ko lamang ang mga bagay na iyon pero baka kuwentong bayan lamang para takutin ang mga batang ayaw umuwi nang maaga kapag gabi."
"Isang alamat?" maikli niyang tugon.
Tiningnan ko siya na ngayon ay nakatingin sa papalubog na araw.
"Alamat na kung saan ay ang isang napakagandang Diwata na tagapagbantay ng Bundok Apokalima ay umibig sa isang binatang mangangaso ngunit nabigo lamang s'ya dahil ang binatang inibig n'ya ay may iba nang minahal" tugon ko dahil iyon naman talaga ang pinaniniwalaang kuwento ng mga taong nakakakilala sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Time After It's Gone
Fiksi RemajaThe past love is the present love. In the year 2021, the love tale of two people from eighteenth and nineteenth centuries will be brought at the fourth time. After more than hundred years, two people will be born sa ikaapat na pagkakataon, panibagon...
