[ CHAPTER 7 ]
Marso 21, 1891
Ito ang araw na kung saan ay nagpanggap si Alfredo na magpapasama sa pamilihan dahil sa may pupuntahan itong matalik na kaibigan na kakilala rin ni Esmeralda. Pinalabas niyang hindi na niya maalala ang daan patungo roon dahil ilang taon siyang nadestino sa ibang nayon. Walang nakakaalam na lihim na niyang kasintahan si Esmeralda kaya pilit nilang tinatago sa lahat.
Kapwa pareho na silang nahihirapan ngunit kailanman ay hindi nagawang sukuan ni Alfredo ang pagmamahal niya sa dalagang nasa kaniyang harapan.
Sakay ng kalesa ay tahimik na nakadungaw sa bintana ang dalawa at parehong naglalakbay ang isip sa kung saan.
Mula sa kinauupoan ay tanaw nila ang mga kalalakihang nakasakay sa kalabaw para mag araro ng palayan. May mga magsasakang inihahanda ang daluyanan ng tubig na didilig sa mga pananim na palay at may iilan namang nagkakatumpokan at tila masayang nagkukuwentohan.
Habang abala si Esmeralda sa pagmamasid sa paligid ay hindi naman mapigilan ni Alfredo ang pasadahan ito ng tingin at tila gustong tumabi sa kasintahan.
Hindi nagtagal ay binasag ni Alfredo ang katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa.
"May ibig sana akong ibigay sa'yo, Mahal ko at hiling ko na iyo sanang maibigan" malambing nitong saad at nang balingan siya ng tingin ni Esmeralda ay kapwa ngumiti silang pareho.
Marahan na kinuha ni Alfredo ang kaniyang panuelito sa bulsa ng suot niyang unipormeng pansundalo at matapos ay may kinuha rito at saka inabot ni Alfredo ang isang kuwintas.
Pinakatitigan ni Esmeralda ang kuwintas na tila malayo ang iniisip at hindi naman iyon nakaligtas kay Alfredo dahilan para mag-alangan itong tumabi sa kasintahan.
"Pakiusap bumalik ka po sa iyong upoan, Ginoo. Batid mong hindi tayo maaaring magtabi. Itong pagsama ko sa'yo ay isa nang kadungisan sa iyong lahi ano pa kaya kung ako'y iyong tatabihan" nahihiyang saad ng binibini.
Tulad ng dati, ngumiti lang si Alfredo sa naging reaksyon ng kasintahan at saka nagwika, "Ibig ko lamang isuot sa iyo ang aking mumunting regalo" na agad namang ikinaseryoso ng dalaga.
"Salamat!" saad niya na hindi tinatanggap ang kuwintas.
"Hindi ka ba nasisiyahan sa aking mumunting handog, Mahal ko?"
"Batid nating hindi tayo maaaring magsama at maging malaya."
Yumuko si Alfredo bago bumalik sa puwesto.
"Batid ko ang lahat kahit hindi mo aminin" may ngiting wika ni Esmeralda at lumihis ng tingin papuntang labas ng kalesa palayo kay Alfredo.
BINABASA MO ANG
Time After It's Gone
Teen FictionThe past love, is the present love. In the year 2021, the love tale of two people from eighteenth and nineteenth centuries will be brought at the fourth time. After more than hundred years, two people will be born sa ikaapat na pagkakataon, panibago...