INNOSCENT OR CRIMINAL (PART 2)

253 3 0
                                    

INNOSCENT OR CRIMINAL PART 2

**LANCER**

... Kinabukasan

maagang gumising si Angelie upang asikasuhin ang kapatid sa gagawing pagpapanggap. Matapos makaligo at gawin ang mga routine niya every morning, mabilis siyang lumipat sa kwarto ng kapatid. Nakabihis na si Angela pag pasok niya sa room nito, suot na ni Angela ang damit na binili niya sa mall kahapon, ngunit umasim ang mukha ni Angelie.

Sino ba naman ang matutuwa halatang halata na siya si Angela. Nginitian niya ito at binati.

"lika nga dito ako ang mag aayos sayo." nakangiti pa ring pina upo ito ni Angelie at sinimulang i re touch ang ayos ng kapatid.

"Ganito ang nakasanayan q ate Gelie", natawa na lang si Angelie, kinuha niya ang peluka na kagaya ng buhok niya at kunwaring inipitan ng hairpin upang di malaglag.

"Im sorry ate" nahihiyang hirit pa ni Angela, she bit her lower lip. Nahihiya siya sa kapatid kasi kelangan pang ito ang mag ayos sa kanya para lang magaya niya ang hitsura ng nito.

"Don't you worry sis, one of this day you're going to like what I want", nakangiting biro ni Angelie sa kapatid. Sinimulan na ring lagyan ni Angela ng make up ang kapatid. Tahimik lang namang hinayaan ni Angela ang ate Angelie niya sa ginagawa sa kanya. Matapos ang ilang minutong pag rere touch pinasadahan ni Angelie ng tingin ang kapatid, Lumawak na ang ngiti nito na parang daig pa ang nanalo sa lotto.

"You look like me, my dear twin sister." kahit si daddy mahihirapang i recognized ka." natawa na lang si Angela. Kelangan na naman niyang magtulog tulugan sa sasakyan mamaya, kasi natatakot siya na mahalata ng ama na hindi siya si angelI. Madalas kasi ang ama niya ang personal na ang hahatid sa kapatid sa mga activities na dinadaluhan nito. Tumayo siya at pinagmasdan din ang sarili gaya ng ginagawa ng kapatid kanina. Halos wala na talga silang pinagkaiba ni Angelie.

Sinong mag aakala na siya si Angela. inabot ni Angelie ang cp sa kapatid at kinuha ang cp nito, pinagpalit niya gaya pa rin ng dati. Nag thumbs up si Angelie at inutusan ng pumunta si Angela sa room niya kung saan susunduin ito ng ama. Pagkatapos lumabas ang kapatid, sinumulan namang ayusin ni Angelie ang sarili. nagsuot lang siya ng short na maiksi kung kaya't nahantad ang mahahaba niyang legs na isa sa assetts niya. Pumili din siya ng pang itaas na sleeve less na naglantad ng kanyang kaputian. Naglagay din siya ng make up na lalong nagpatingkad sa kanyang ganda.

Sumilip siya sa sliding door upang alamin kung nakaalis na ang kapatid at ang ama. Nakita niyang sumakay na ito sa sasakyan. Naghintay pa siya ng ilang sandali ng makitang nakalabas na ito ng gate ay dalidali siyang nag dial ng cp upang magpasundo na sa mga kaibigan kasama ang bf niyang si Lawrence. Tahimik na lumabas si Angelie, na tinanguan lang siya ng guard na hanggang ngayon di pa rin nito matandaan ang pagkakaiba nila ni Angela, na kinatutuwa naman niya. Malaya siyang nakalabas ng bahay ng dumating ang mga kaibigan na wala man lang nakapansin sa kanya maliban ang guard na madadaanan sa gate.

'Samatalang abot-abot naman ang kaba ni Angela habang nasa sasakyan ng ama. Panay ang pray niya na sana'y wag siyang mahalata nito na dahilan ng tuluyang paglayo ng loob nito.

"How's my baby? tanong ni don Alfonso sa anak..

"Im ok, dad" matipid na sagot ni Angela sa takot na makahalata ang ama. Tumawa naman si don Alfonso ng makitang parang wala sa mood ang anak. Nakitang ipinikit nito ang mga mata, marahil ay puyat ito sa nagdaang gabi. Kilala niya si Angelie na super hilig manood ng mga movie.

"ok baby you may sleep". gigisingin na lang kita kapag malapit na tyo". at hinayaan na lang niyang matulog ang mahal na anak. Hanggang sa makarating sila Puerto Azul kung saan gaganapin ang mga picture taking as model ni Angelie. hinatid pa siya ng ama hanggang sa loob bago ito nagpaalam sa kanya.

Aakahinga si Angela ng kumaway na ang ama sa kanya at sinimulan ng patakbuhin ng driver ang sasakyan. Agad naman siyang sinalubong ng mag aasist sa kanya at sinimulan ng iready ang lahat ng gagamitin nila. di naman nagtagal at nag simula na ang picture taking. Ilang beses pinagpalit ng damit si Angela, kung kaya't medyo napagod din siya. Ng makaisang shoot na sila nagpunta muna siya ng cr at palihim na kinuha ang cp sa bag niyang dala

Agad na nag dial sa kapatid, di naman siya nahirapan at narinig kagad ang boses ng kapatid. "ate! nakaalis kana ba? pabulong na tanong ni Angela."

to be continued....

INNOSCENT OR CRIMINAL (BY: LANCER) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon