INNOSCENT OR CRIMINAL PART 6
**LANCER**
Sunod-sunod ang iling na ginawa ni Angela, hindi niya kayang suwayin ang kagustuhan ng ama. At ayaw niyang lalo lang lumayo ang loob ni Don Alfonso sa kanya."I can't believe na magagawa tayong paghiwalayin ni daddy." bakas ang kalungkutang wika ni Angelie.
Pinilit ngumiti ni Angela, ayaw niyang lalong malungkot ang kapatid."Ang gusto ko lang naman ate mahalin ako ni daddy gaya ng pagmamahal niya sayo, kaya handa akong sundin ano mang naisin niya"
Napatitig naman si Angelie sa kapatid, higit kanino man ay siya lang ang nakakaunawa dito. Niyakap niya ito tanda ng kanyang pag suporta ano man ang maging desisyon ni Angela.
Tahimik na silang bumalik sa kani kanilang kawarto. Angela didn't know how she made it home. but she's now in the comfort of her own room.Ilang araw pa ang lumipas tuloy ang normal na buhay ng magkapatid.
*****
Balikan natin ang magkaibigang Alexander at Marc.. nakaupo si Alexander sa kanilang opisina habang nagbabasa ng weekly magazine.. nag aayos naman ng gamit si Marc sapagkat may ini- atas sa kanyang mission.
Napatigil sa pag buklat ng magazine si Alexander ng tamaan ng paningin niya ang larawan ng isang babae, kuha ito sa Puerto azul.. napatitig siya rito, unti- unting kumunot ang noo ni Xander, at muling naalala ang isang babaeng tumutok sa kanya ng baril ilang araw pa lang ang nakakalipas.Binasa niya ang pangalan ng babae na nakasulat sa magazine. "Angelie Montenegro" anak ng isang sikat na negosyante sa Bacoor Cavite.. napakaamo ng mukha ng babae sa magazine kabaligtaran ng nakaharap niya ito.
Di naiwasan ni Xander na isa isahin ang larawan ng babae sa magazine. Tama ang hinala niya sa babae na isang modelo ito ng makita niya.Samantalang nakahalata naman si Marc na di nakikinig sa kanya si Xander, salita siya ng salita ngunit nakatutok ang mata ng kausap sa isang magazine. Kaya't lumapit siya dito at tinapik na si Xander, base sa pagkakakunot ng noo nito ay halatang may di nagustuhan sa nakita. kaya't mabilis na inagaw ni Marc ang magazine.
"Hey? "what are you doing" paasik na sigaw ni Xander sa kaibigan. tatawa-tawa namang iwinasiwas ni Marc ang magazine habang pilit na inaagaw ni Xander. at ng magkaroon ng pagkakataon ay mabilis na tiningnan ito."Wow" bulalas na paghanga ni Marc ng makitang si "Angelie Montenegro" ang laman ng ng magazine. mabilis itong umupo at isa isa nitong binuklat ang pahina ng magazine. Inis namang binirahan na ni Alexander ng layas.
****
Nang araw naman na yon ay dala na ni Don Alfonso ang papeles na gagamitin ni Angela palipad ng Spain. Sisiguraduhin niyang aalis ng bansa ang anak sa makalawa. Gusto niyang matuto itong tumayo sa sariling paa upang tumibay ang loob ng anak. Pinatawag ni Don si Angela, upang ipaalam dito ang nalalapit na pag alis.Mabilis naman niyang nakaharap ito. Shock si Angela ng ipakita sa kanya ang kumpletong papeles niya patungong Spain. ngunit pilit niyang pinakalma ang sarili.
Hindi niya suka't akalaing tototohanin pala ng ama ang pagpapadala sa kanya sa malayo. Mataman namang pinag masdan ni Don Alfonso ang anak, matapos na masigurado niyang walang magiging problema ay tumalikod na ang Don at iniwan si Angela na di man lang nakapag salita.Tulala pa ring pumasok sa kanyang kwarto si Angela, umupo siya sa gilid ng kanyang kama. hanggang sa unti unti ng pumatak ang kanina pa niya pinipigilang luha. Ngunit kung ito lang ang paraan upang mapasaya niya ang kanyang ama ay kelangan niyang sundin ito. di na niya pinuntahan pa ang ate Angelie niya upang idamay pa sa kanyang kalungkutan. Tahimik na lang niyang inayos ang mga dadalhin niyang gamit sa pag alis..
to be continued....
BINABASA MO ANG
INNOSCENT OR CRIMINAL (BY: LANCER) COMPLETED
ActionProperty of PINOY EXPERIENCE page.... story about twin sister... who loved each other...