INNOSCENT OR CRIMINAL (PART 29)
**lancer**
"Hey! are you kidding? "Angelie it's me! Marc, pilit na pakilala ni Kazuhiko(Marc)sa kanyang sarili kay Angelie. Napatitig naman si Angelie kay marc, bigla siyang naguluhan. Di niya matandaan ang mukha ng lalaki, san ba sila nagkita o nagkakilala?
"Bakit di mo ako matandaan? ako ang nagligtas sayo. may bahid ng hinanakit na ang boses ni Marc, napakadali namang makalimot ni Angelie, umaasa pa naman siya na magiging mabuti silang magkaibigan o mas higit pa dito. At ginagawa niya ang lahat mailigtas lang ang ama nito sa maaaring mangyari, dahil na rin sa kagustuhan ng dalaga. Ngunit balewala lang pala siya dito.
Umilap na namang muli ang mata ni Angelie, nabasa niya sa mga mata ni Marc ang di na maitagong hinanakit. Lumunok ng ilang beses si Angelie bago siya nakapag salita. A-Im really S-sorry !sa nauutal na tinig. Paano ba siya magpapaliwanag sa taong di niya talaga maalala kung saan niya nakilala.
Pero may sinasabi ang lalake na ito ang nagligtas sa kanya, tama siya daw ang nagligtas sa kanya. Napatitig siya sa lalaking nasa harapan niya. P-pardon pls! w-what did you say? kailangan niyang masigurado na tama ang kanyang narinig, baka nagkamali lang siya. baka dinaraya lang siya ng kanyang pandinig.
Lalo namang naguluhan si Marc sa sinabi ni Angelie, napakunot ang noo niya, Baka naman may nangyari dito at nakalimutan siya, samantalang napakaganda pa ng usapan nila ng iwan niya ito sa rest house sa tagaytay. o! baka naman gumigimik lamang ito.
Pero kitang kita niya sa mga mata nito ang pagkalito at pagtataka. Di kaya bukod sa isang modelo ito ay magaling ding artista? Anak naman ng tinapang duling, bakit kelangang idamay pa siya sa drama nito. "look Miss Montenegro, pormal na ang mukha ni Kazuhiko, di niya makuha ang drama. di natin kelangan maglokohan, magkakampi tayo dito. hinawakan na niya sa magkabilang balikat si Angelie upang ipaintindi dito na di nila kelangang mag drama sa isa't isa. para ano pa at tinataya niya ang kanyang sariling kaligtasan sa pagdikit kay Don William.
Gumana naman kagad ang utak ni Angelie, sasagot na sana siya kay Marc ng biglang may tumawag sa kanya. "Angelie? Baby! anak! tawag kagad ng bumungad sa pinto ng humahangos na si Don Alfonso, sabay silang napalingon ni Marc sa mga dumating.
Kaagad namang binitiwan ni Marc ang dalaga at umurong dito ng makalapit ang ama nito. niyakap kagad ng matanda ang anak, nakita pa ni Marc ng biglang tumulo ang luha ng dalaga. Tahimik na lumayo si Marc, bumaba siya ng building saka na niya kakausapin si Angelie. dumaan muna siya sa Office ng mga officer kaya't ganon na lang ang gulat niya ng abutan niya si Alexander sa loob. tumayo naman kagad si Alex upang batiin ang kaibigan.
"Musta partner? malungkot na bati ni Alex dito, Anong ginagawa mo dito? kala ko ba may mission ka? sunod sunod na tanong ni Alex(Inigo). Malalim na buntunghininga ang sinagot ni Marc at umupo. Malapit ko ng ma solve sana partner tugon ni marc, kaso may malaking problema. di ko pa tapos ang mission ko ay nagpahuli na ang nais kong tulungan. di pa lang ako tapos sa nais niyang mangyari "What do you mean? interesadong tanong ni Alex.
Si Miss Montenegro ang sinasabi ko, pabulong na wika ni Marc. teka! teka partner? paanong si Miss Montenegro ang tinutulungan mo? ako yata ang naka assign sa kanya naguguluhang tanong naman ni Alex dito. "anong assign? naguluhan na rin si Marc. "naka assign na mag imbestiga, tugon ni Alex.
Tumunog ang cp ni Marc, marami pa sana siyang itatanong kay Alex dahil naguguluhan siya. walang ganang kinuha ni Marc ang cp sa bulsa upang sagutin ang tawag, ngunit nanlaki ang mata ni Marc ng makita ang pangalan ni Angelie sa screen ng cp niya. Dali dali siyang tumayo at lumabas ng office, nagtataka namang napasunod ng tingin si Alex sa kaibigan.
"Hello! Asan ka? tugon kagad ni marc pag ka on button niya sa cp. I'm still here in Tagaytay" nagtatakang boses sa kabilang linya. di na hinayaan pa ni marc tumugon sa kabilang linya di na rin niya inalam kung anong dahilan ng tawag nito, kelangan niyang makasigurado. Hintayin mo ako dyan, wika ni marc. uuwe ako ngayon, huwag na huwag kang aalis. at kaagad na binaba niya ang phone.
Takbo si Marc sa kanyang sasakyan, di na niya alintana ang mga reporter na nagkakagulo pa rin sa harap ng presinto, narinig pa niya ang boses ni Nicole na tumatawag sa kanya, ngunit di na niya ito nilingon. kelangan niyang bumalik sa tagaytay.
Takang taka naman si Alex sa kinilos ng kaibigan. sino kaya ang tumawag dito at bigla itong nataranta, at basta na lamang umalis ng walang paalam....
to be continued...
BINABASA MO ANG
INNOSCENT OR CRIMINAL (BY: LANCER) COMPLETED
ActionProperty of PINOY EXPERIENCE page.... story about twin sister... who loved each other...