INNOSCENT OR CRIMINAL PART 7
**LANCER**
Di makatulog si "Angela" matapos niyang maayos ang mga gamit niyang dadalhin. Tumayo siya mula sa kanyang kama at kinuha ang isang photo album.. Pinasadahan muna niya isa-isa ng tingin ang mga picture na kasama ang ama, si Angelie at ang ina niyang si Althea.
...
Kuha ang mga larawan ng siya ay pitong taong gulang pa lamang. Pagkatapos makita
ay nilagay na niya ito sa kanyang bag.. Di pa rin siya nakatulog kaya't pumili siya ng isang movie sa kanyang collection at sinalang kagad sa dvd. Naghanda rin siya ng makukutkot. Manunuod muna sya, ng makarinig siya ng marahan na katok sa pinto. Mabilis siyang tumayo. Pag bukas ni Angela nabungaran niya ang kapatid niyang si Angelie.
Napangiti siya at nilakihan ang bukas ng pinto. "come in" yaya niya sa kapatid, Dire-diretso namang pumasok si Angelie."Nood tayo ng movie te Gelie"
"Sure
! at pasalampak na tong naupo sa sofa na paharap sa home theater video ni Angela. Tahimik namang tinutok ni Angela ang mga mata sa panonood. Isang old movie ang nakasalang na pinapanuod niya. "so close" ang title, kwento ng magkapatid. Sa una pa lang ay natawag na ang pansin ni Angela kung kaya't di na niya naririnig na nagsasalita na pala si Angelie.
"Hey!.. " papansin ni Angelie sa kapatid. "are you ok?.. napakislot naman si Angela."Ohh! im so sorry ate, don't you worry! im really ok."i like the movie so i can't hear you what you said" pardon me pls.. sunod sunod na sabi ni Angela.
"Im just asking you" "Is something wrong with you? muling tanong ni Angelie sa kapatid.
Nawala ang concentration ni Angela sa pinanonood.
Sasabihin ba niya sa kapatid na may ticket na siya patungong Spain? alam niyang di makapapayag ang kapatid. lalo na't sa isang araw na ang lipad niya. Napa buntong hininga ng malalim si Angela. Pagkatapos ay nakangiti siyang umiling. Di naman na pinilit ni Angelie ang kapatid, Nag concentrate na lang sila sa pinapanuod. ito naman talaga ang hilig nilang magkapatid, manuod ng manuod. hanggang sa di na nila namalayang lumipas ang oras.
********
Kinabukasan, naisipan ni Angela na mag malling upang makabili pa siya ng mga gamit. Sinilip muna niya ang kapatid para tanungin kung gustong sumama ngunit ngawit na siya kakakatok pero walang nagbubukas.
Napatingin sa kanya si aling Loleng na kasalukuyang dumadaan. "Naku angela kanina pa umalis ang ate Angelie mo" tinawagan yata ng best friend na si Jaymie". nakangiting wika ng matanda sa kanya.Napatango na lang siya at umalis na lang mag isa. Pag dating sa mall naisipan munang pumunta sa men's section si Angela, Naghanap siya ng pwedeng ibigay sa ama bago siya umalis. Halos umabot na siya ng isang oras sa pamimili ngunit wala pa siyang nagugustuhan.. May namataan siyang belt ng nike kaya mabilis niyang nilapitan ito. Dadamputin na sana niya ng may maunang kamay na kumuha nito. Nainis si Angela.. "excuse me" nauna akong makakita ng belt na yan" iritadong wika ni Angela sa matangkad na lalake..
Lumingon ito sa kanya at biglang nagsalubong ang kilay.. "Miss Angelie Montenegro? may sarkasmong tinig ng lalake...
to be continued...
BINABASA MO ANG
INNOSCENT OR CRIMINAL (BY: LANCER) COMPLETED
ActionProperty of PINOY EXPERIENCE page.... story about twin sister... who loved each other...