INNOSCENT OR CRIMINAL (PART 28)

123 1 0
                                    

INNOSCENT OR CRIMINAL (PART 28)

**lancer**

"Pag dating sa presinto, kinunan kagad ng finger print si Angelie, matapos mag finger print ay pinaupo siya upang kunan ng larawan. nang iniinterview na siya hiniling niya na.. "I will wait for my lawyer first" wika ni Angelie. nakaposas pa rin ang mga kamay niya habang nakaupo. tahimik lang siyang nagmamasid sa paligid. may dahilan siya kung bakit naririt...o siya ngayon, ngunit siya lang ang tanging nakakaalam. Piping dalangin niya na sana'y makasunod kagad sa kanya ang daddy niya, ayaw niyang matulog sa lugar na ito.

Mabilis namang nakarating si Inigo sa presinto, agad niyang hinanap kung saan dinala si Angelie, ngunit kagad siyang hinarang ni Commander chief Victor Arsenal. "Di ka pwedeng magpakita sa loob wika nito. nakikiusap ako sir! kailangan kong makita si Ms. montenegro" Private detective ka pa rin mr. Pascual, delikado pa ring may makaalam sa mga surveillance and secret mission mo. "walang problema sir!' gusto ko lang makausap si Ms. Montenegro. ngunit umiling lamang ang Commander chief. pigil ni Alexander ang sarili, dahil sa lihim niyang trabaho he need to collect and analyze evidence, and deliver papers and files. he also need to prepare documents for courts. pero di pa lang niya nagagawa ay gumawa na kagad ng action ang kapulisan.

Inabot sa kanya ng officer ang baril na nakuha ng araw na napatay si Lawrence, ayon dito ay ito ang baril ni Angelie, naka lagay ito sa isang plastic. kasalukuyang sumailalim ito ng paraffin test. hihintayin nila ang magiging result nito. Tiim-bagang na napatitig si Inigo(Alex) sa baril. matamlay na inabot niya ito. mukhang di na nga siya papalapitin kay Angelie. napilitan siyang umupo. Kasamang hihintayin ay ang result ng finger print ni Angelie.

Maya-maya lang ay narinig niyang parang nagkakagulo. sumilip siya sa bintana upang alamin kung ano ang nangyayari sa labas. nakita niya ang pagdating ni Marc may kasama itong babae.

Ilang sandali pa ay narating din nina Nicole ang presinto, maraming tao sa labas. ngunit di nila ito pinansin kahit ang mga reporter na pilit na humahabol sa kanila ni Kazuhiko. dumaan lang sila sa information upang alamin kung nasaan si Angelie, at dumiretso na sila sa second floor matapos ituro ng naka asign sa desk. pag akyat nila ay tanaw kagad nila si Angelie na naka posas pa ang kamay. mabilis na nakalapit dito sina Nicole.

"At last, lumabas ka na rin pala sa pinagtaguan mo? nang uuyam na tinig ni Nicole. tiningnan lang ni Angelie ng masama si Nicole. na lubhang kinagalit naman nito, isang sampal ang pinadapo nito sa pisngi ni Angelie. mabilis na pinigilan ni Marc si Nicole at tumayo rin kagad ang isang pulis upang ilayo si Nicole kay Angelie ng di lumala ang gulo. agad na pinalabas si Nicole. bumiling ang mukha ni Angelie sa lakas ng sampal na natanggap mula kay Nicole. ramdam niya ang hapdi sa kanyang pisngi. parang biglang nahabag siya sa sarili. nag angat siya ng tingin ng marinig niya na may tumatawag sa kanyang pangalan.

"Angelie! tawag ni Marc sa kanya, kunot ang noong tinapunan ni Angelie ng tingin ang lalake. Lumapit si Marc sa kanya at pabulong na nagsalita, "Bakit di ka nakinig sa akin? Kelan ka pa bumalik sa inyo? napatitig si Angelie sa lalake. nababaliw ba ito? bakit umaastang kilala siya.

"Who are you? mahinang tugon niya sa lalaki.

Napanganga naman si Marc.. Bakit parang stranger siya sa paningin ni Angelie. Nagkukunwari lang ba ito na di siya kilala?

to be continued....

INNOSCENT OR CRIMINAL (BY: LANCER) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon